Chapter 26.1: Jealous and Anger

36.7K 872 50
                                    

a/n: sinulit ko talaga ang long weekend para makapag-update :3 

sana nagustuhan nyo yung mga past updates! :)

last update for now :)

vote comment and be a fan

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 26.1: Jealous and Anger

--

(part pa to ng chapter 25)

Third Person's POV

Sumakay na si Vera ng elevator at dun na sya mismo naghubad ng coat sa loob. Pinunasan nya ang mukha nya na puro dugo.

Pinunasan nyang maigi yun para maalis yung dugo sa mukha nya. Pero dahil likas na malagkit ang dugo at mahirap tanggalin, may tira tira pang mantya sa kanyang mukha.

Napahawak sya bigla sa balikat nya. Dumudugo ito dahil sa tama ng bala kanina.

Napasandal na lang sya at mabilis na hinold yung receiver nya, "Mr. Blancard, I was shot. I need your back ups."

Pababa lang ng pababa yung elevator papunta sa ground floor dahil walang nag-elevator buhat nung sa biglaang pagtunog ng emergency button.

Pagbukas na pagbukas ng elevator, tumambad kay Vera ang isang makapal na usok. Lumabas sya ng wala sa oras at agad syang pinuntahan ng mga tauhan ni Mr. Blancard at inalalayan.

"Bakit..*cough* may mga usok?"

"Usok lang yan na nanggagaling po sa air vents. Inaallow nyang maging foggy ang paligid para hindi nila tayo makita." aniya ng isang tauhan at lumabas na sila sa hotel.

(eto start na to ng chapter 26)

Kinabukasan,

Balitang balita ang nangyari kagabi sa Hotel Eclaire. Naging laman ng balita at dyaryo ang pagkamatay ng negosyanteng si Bill.

Hindi alam ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Bill. Sinubukan nilang kunin ang panig ng hotel pero mas pinili na lang nilang manahimik sa nangyari dahil sila mismo hindi nila alam.

Sinubukan ding kunin ng pulisya ang mga CCTV feeds nung mangyari ang krimen ngunit wala silang maipakita dahil lahat ng feeds sa buong hotel ay hacked.

Kaya isa lamang ang conclusion nila. Planado ang pagpatay.

Umagang umaga, iyan ang bumungad kay Vera na balita habang nagkakape sya at prente pang nakataas ang paa sa center table.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon