Chapter 26.2: Jealous and Anger

33.3K 937 36
                                    


a/n: hello! sorry talaga guys. sobrang cramming kami sa research paper. sobrang dami ng gastos dahil sa print. yung tipong binigay mo na lahat ng effort pero wala pa din? #whogoatlang hahaha. hirap mareject guys. buti na lang naapproved na yung pinasa kaya paraphrasing na lang so madali dali na lang :3

okay ang daldal ko na hahaha. anyway, eto na ang part 2 ng chapter 26. sana magustuhan nyo. pero hiatus pa din sya. hahaha. uy nga pala, happy 60k satin Queens! maraming salamat

alam ko hindi ako ganun kagaling na author para magdemand pero please? comment kayo :)

vote comment and be a fan

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 26.2: Jealous and Anger

--

Third Person's POV

Napaatras si Axel sa lakas ng suntok na binigay sa kanya ni Tyrone. Agad syang napahawak sa gilid ng labi nya na pumutok at nagsimula ng dumugo.

Susuntukin pa sana nya si Axel nang tawagin ni Vera ang atensyon nya.

"Tyrone!" agad na pumagitna si Vera sa kanilang dalawa at inextend ang mga kamay nya para maipaglayo sila.

"What the hell?" asik nito sa kanya pero wala syang nakuhang sagot mula dito.

Nagpapalit palit lang ang tingin nya dun sa dalawa saka umiling iling at iniwan sila.

Nang makaalis na si Tyrone, agad na inalalayan si Axel at dinala sa clinic.

Aware sila na pinagtitinginan sila ng mga estudyante lalo na si Vera pero mas minabuti na lang na wag nya iyon pansinin.

----

Clinic-

"Well I think he's jealous." pakuwari ni Vera. Napalingon sa kanya si Axel at napangiwi dahil sa sinabi nya, "Jealous? Kadiri ha."

Nasa clinic silang dalawa ngayon at halos katatapos lang gamutin ng nurse ang sugat nya.

Walang kaalam alam si Vera sa nalalaman ni Axel at sa relasyon nilang dalawa sa isa't isa.

"Yeah, totally. Pft." pagkasabi nun ni Vera, agad syang kinutusan ni Axel. Inirapan lang sya ni Vera.

"Pero Vera, seryoso ako dun kanina. Simula ngayon, ako na kuya mo."

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon