Chapter 1 - Sereia

423 14 2
                                    

*Sereia POV*

Tahimik lamang akong nagmamasid sa labas ng aming munting bahay habang nakatanaw sa mga kaibigan kong naglalaro sa labas.

Gusto ko din sumali sakanila kaso baka pagalitan ako ni Inang. Wala sa sariling napabuntong hininga na lamang ako.

"Bakit tila kay lalim ng iyong buntong hininga anak?"

Napatingin ako kay inang na ngayon ay nagdidikdik ng kung ano-ano.

Si Inang ay kilalang isang taga gawa ng mga gayuma o ang tinatawag niyang potion katulad na lamang ng Gayuma sa pag-lakas, gayuma sa paggaling, at gayuma sa pag-ibig?

Pag-ibig?

Kanina ay nabasa ko ang kahulugan nito mula sa libro ng mga gayuma na nanggaling kay inang.

Sinasaad doon na ang Pag-ibig ay isang Masidhing damdamin o isang emosyong hindi mo maipaliwanag. Ngunit mararamdaman mo ito sa hindi inaasahang tao at sa di inaasahang oras at panahon.

Gusto ko mang magtanong kay Inang ukol doon ngunit nitong mga nagdaang araw ay lagi itong balisa at tulala sa kawalan..ilang saglit lamang ay makikita ko na lamang itong nagpapakapagod sa paggawa ng mga gayuma.

Alam kong may pinoproblema si Inang kung kaya't hindi ko nalang siya tinatanong sa kung ano ang bumabagabag sakanyang isip.

Lumapit ako dito para sana kausapin ito at mag paalam na naglalaro lamang ako sa labas. Ayokong magalit na naman siya nang dahil sa paglabas ko ng wala ang kaniyang pahintulot.

"Inang, maaari po ba akong makisali sa mga kaibigan ko? Mukhang ang saya-saya po nila habang naglalaro ng hari-harian at reyna-reynahan"

"Ngunit .."

"Sige na po Inang. Pumayag na po kayo hindi naman po ako lalayo." Sabi ko dito habang pilit na pinapalabas ang pagiging maamo ng aking mukha.

Napansin ko namang napabuntong hininga ito kung kaya't hindi ko maawat ang aking sarili na mapangiti.

"Basta't hindi ka lalayo anak ha?" Sabi nito.

"Opo inang pangako ko po iyan" nakangiting sabi ko sakanya sabay yumakap sakanya.

Naramdaman kong hinawakan niya ang mga pisngi ko sabay pinagmasdan ang kabuoan ng aking mukha.

"Bakit po Inang?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Katulad na katulad mo nga ang iyong Ina." Biglang sambit nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ikaw lang naman po ang nag-iisang Inang ko."

"A-ah E-eh siyang tunay!" Sabi nito. "O siya, maglaro ka na dun basta't wag na wag kayong magtungo sa madilim na parteng iyon ng Mortem anak ha?Wag na wag mo ring masyadong gamitin ang iyong kapangyarihan." Nag-aalalang sabi ni Inang.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon