Chapter 6 - Mermaid

72 5 1
                                    

*Sereia POV*

"Si Andora po." Saad ko na siyang ikinasinghap nito.

"Andora? Nak, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Nagtatakang tanong nito saakin habang mababakas sa mukha nito ang pagkabahala at takot.

"Opo nay, ang aking wangis na ang pruweba. Siya ang may gawa nito sakin. Hindi ko naman mawari kung bakit niya ginawa saakin ito sapagkat wala naman akong atraso sakanya. Ngunit nakapagtatakang may alam siya tungkol saaking tunay na mga magulang." Malungkot na pahayag ko dito.

"Hindi na ako magtataka na sa kanya nga nagmula ang sumpa na ito sayo. Ang ikinababahala ko lamang ay kung totoo ngang buhay pa siya, isa itong malaking problema sa buong kaharian. Kilala si Andora bilang isa sa mga malalakas na mangkukulam sa buong kaharian dahil minsan na siyang nagmula sa pinakamalakas na kaharian. Ang Enchanted Kingdom. Ngunit dahil sa umibig ito sa isang prinsepe ay pinili niyang manirahan sa nasasakupan ng iniibig nito. Ito ay walang iba kundi ang Merlian Kingdom. Ang kahariang kinatatayuan natin ngayon. Si Andora ay may natural na abilidad na magbago ng anyo, kaya nitong maging serina at maging taong lupa. Naging matalik na kaibigan nito ang kasalukuyang reyna ng kahariang ito. Siya si Reyna Hestia at ang prinsepeng iniibig ni Andora ay si Haring Lauric ang kasalukuyang Hari at asawa ng Reyna. Nang malaman ni Andora na matagal nang nag-iibigan ang lalaking kanyang iniibig at ang kanyang matalik na kaibigan ay sobra ang pagkamuhi nito. Hindi ito nagpakita ng ilang taon ngunit sa pagbabalik muli nito ay siyang nagsanhi ng isang malaking dagok at kasawian sa buong kaharian, dahil ang ilang buwan pa lamang naming mahal na prinsesa ay bigla na lamang nawala kasabay ng biglaang pagkawala din nito ang perlas na siyang puso ng buong karagatan ang puso ng Merlian Kingdom. Ang gabing iyon ay isa sa mga hindi ko makakalimutang araw dahil ang buong mundo ng Fellonia ay sumabak sa isang mabagsik na labanan. Nawala rin ang mga prinsesa ng mga kaharian at walang nakaka-alam kung buhay pa ba ang mga ito o kung makababalik pa ba ang mga ito--" "Babalik pa sila Nay. Nasisiguro ko yun." Napabaling ang tingin ko sa isang taong kadarating lang.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now