Chapter 30 - War

39 4 0
                                    

*Sereia POV*

Nang ilibot ko ang aking paningin ay napansin ko ang isang napakalaking ahas na may dalawang ulo at tila nanlilisik ang mata nitong nakatingin samin. Nakakatakot naman yan.

"Primo yan na ba yung Tiko?"

"Siya nga Master."

"Nakakatakot naman yan."

"Syempre pangit siya eh."

"Ito naman makalait."

"I'm just being honest here master."

Nang malapit na kami ay agad niyang binugahan ng water ball ang malaking ahas. Narinig ko pa ang malakas na pag asik nito na tila galit na galit sa ginawa ni Primo.

Nakita ko pang nakikipaglaban ang mga kaibigan ko maging ang mga magulang ko. Mapapansin rin ang maraming sugat na kanilang natamo. Ngunit bakit kulang sila?

Nailibot ko ang aking paningin para hanapin ang dalawang taong malapit saakin at hindi nga kalayuan ay nakita kong inaakay ni Callum ang kambal nito na maraming sugat at may lapnos pa sa hita ngunit may humarang sakanila pansin ko ring may lapnos sa kaliwang braso si Callum.

Napatingin naman ako sa malaking ahas na nagbuga ng apoy na may kahalong itim na mahika. Kung ganun ay siya ang may gawa sa lahat ng ito?

"How dare him hurt my loved ones."

Nakita ko pang nakikipaglaban sila Niel, Tan at Lexy kay Shawn at Samantha. Bakit sila naglalaban-laban? Magkakampi kami ah?

Nagulat ako ng makitang sinaksak nung impostora si Lexy. Bakit ba sila nag-aaway? Bakit tinulungan nung impostora si Samantha?

"Primo, ikaw na ang bahala sa malaking ahas na yan. I'm going to deal with something down there." Ani ko kay Primo saka nagteleport sa harap nila Samantha. Akmang sasaksakin ulit ng Impostora si Lexy ng bigla kong sinalag ang espada nito. Napansin ko pang may biglang sumuntok dito kaya napalayo ito at natumba sa lupa.

"I-ikaw? B-buhay ka?" Gulat na ani nito habang nanlalaki ang matang nakaturo sakin.

"Surprised b*tch? Oh come to think of it nagpakilala na pala ang mga totoong traydor." Nakangising wika ni Zhaira dito saka tumingin sa direksiyon nila Samantha at Shawn. Traydor sila?

"Tan don't just stand there bring Lexy to the Healer." Rinig kong utos ni Zhaira kay tan na ngayon ay gulat na nakatingin sakin habang si Lexy naman ay nawalan na ng malay. Nginitian ko lang ito saka napatingin kay Zhaira.

"Bat hindi mo sinabi na sila ang traydor? Magkasama lang tayo kanina eh." Nakangusong ani ko dito.

"Stop pouting you look like a duck, at isa pa isang taon ka kayang natulog. Nagising ka pa naguumpisa na ang digmaan pano ko pa sasabihin sayo?" Nakataas kilay na ani nito. Ito talaga may pagkamasungit din.

"Pasensya naman." Ngayon ko lang napansin na naka anyong tao na ako at ang suot ko kanina at ang buntot ko ay naging isang dress. Ang galing.

"Ikaw na ang bahala sa tryador na yan, ikaw niel sa isang traydor ka din. Ako na ang bahala sa impostora na to, hindi pa kasi tapos ang aming pagtutuos." Malamig na saad ni Zhaira samin.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now