Chapter 16 - Fake

43 5 0
                                    

*Sereia POV*

Isang buwan na ang nakakalipas nang ipakilala ang prinsesa sa lahat. At gaya nga nung una, palihim din ang pang-aabuso ng elites at ng ibang mga estudyante sakin. Sinasakto nilang wala sa tabi ko sina Callen at Callum.

Kahit na puro sugat at pasa ang nakukuha ko sa mga pang-aabuso nila, gumigising nalang ako sa umaga na magaan ang pakiramdam. Biglang nawawala ang mga sugat at pasa na natatamo ko.

Alam kong may taong pumapasok sa silid ko para lunasan at gamutin ang mga sugat ko kaya laki ang laki ng ipinagpasasalamat ko dito dahil tinutulungan ako  ng palihim ng taong iyon.  Nang dahil sakanya nakakaya kong tiisin ang mga pang-aabusong natatanggap ko.

Ngayon ay patungo na sana ulit ako sa Garden nang may mapansin akong kung pigura ng tao na parang nagmamadali. Napamilyar ko naman kung sino ito base narin sa kilos at kasuotan nito.

Ang Prinsesa. Anong ginagawa niya sa liblib na lugar sa likod ng Academy?

Wala sa sariling sinundan ko ito. Agad-agad naman akong nagtatago sa mga puno kapag napapalinot ang tingin niya.

Ano ba ang ginagawa niya dito? Bakit mag-isa lamang siya sa masukal na gubat na ito? At bakit hindi niya kasama ang mga elites. Nangako ang mga ito na po-protektahan ang prinsesa ngunit ano, narito at nag-iisa sa gubat ang iniingatan nilang prinsesa.

Nang mapasilip ako sa kinaroroonan nito ay natagpuan ko itong may kausap na taong nababalot ng itim na kasuotan ngunit nakikita ko lamang ang ilong at labi nito. 

Kaano-ano niya ang taong iyan?

"Kamusta ang iyong pag-papanggap?" Rinig kong tanong ng lalaki sa prinsesa.

Pagpapanggap? Anong ibig sabihin ng kausap nito?

"Ayon ang bilis magpaloko ng mga tanga. Nalinlang sila sa isang katulad ko hahaha. Talaga ngang mahina ang kahariang ito. Bakit hindi nalang ito nilusob noon ng ating panginoon?" Rinig kong tugon ng prinsesa dito.

Kung ganon, nagpapanggap lang siyang prinsesa ng Merlian Kingdom? Kung ganon, hanggang ngayon ay hindi parin nagbabalik ang prinsesa?

"Kung nilusob na ito noon ng ating panginoon edi sana napasailalim na natin sila. Hindi mapasok-pasok ng mga katulad natin ang kahariang ito dahil sa pagtatraydor ng mangkukulam na yun, binasbasan pa niya ng proteksiyon ang kaharian kaya hindi nagtangka ang panginoon na lusubin ang kahariang ito dahil sa lakas ng proteksiyong hatid nito." Narinig kong ani ng kausap nito.

"Napakaboring naman kasi dito, walang trill. Puro kaplastikan lang ang tinutugon ko sa mga cheap na mga estudyante dito. Isa pa ang hihina nila pwera nalang sa isa sa mga elites na nandito ngayon, ang mga prinsepe at ang tatlo pang elites na hindi ko pa nakikilala maging ng President na kinatatakutan nila." Seryosong saad ng pekeng prinsesa. Oo peke, dahil nga sa sinabi niyang nagpapanggap lamang siya.

Sa ganito katagal na panahon na pala niya niloloko ang mga mamamayan ng Merlian. 

"Kamusta ang pagkuha mo ng loob sa dalawang prinsepe? Kailangan mapasakamay natin sila. Maaari natin malusob ang kaharian nila kapag nakuha natin ang natatanging kinang ng Dragonia Kingdom."  Nakangising saad ng kausap ng pekeng prinsesa.

"Ang pakipot naman kasi ng prinsepeng nakatadhana sa prinsesa ng Merlian eh. Ni hindi nga nagpapahalik." Tila nanghihinayang na saad nito.

Aba't nais pa niyang halikan talaga si Callum. Buti nalang at hindi nagpadala sa tukso iyon. Isa lang ang masasabi ko sa pekeng prinsesa na ito. Isa siyang malandi at makating linta. 

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now