Chapter 24 - Realization

71 6 0
                                    

*Callen POV*

"Lauric si Helga iyon diba?" Tanong ng reyna sa asawa nito.

"SH*T WE'RE LATE!" Napalingon naman ako sa bagong dating. Si President.

"Iyah the princess!" Tawag ni Lady Aisha kay President.

"I know." Malamig na ani ni President saka nito tinanggal ang hood nito.

"MASTER!!" sigaw ng isang maliit na nilalangna parang dikya palapit sa katawan no Sereia.

May inilabas siyang kung anong liwanag saka unti-unting ibinaba ang katawan ni Sereia.

"Andora!" Malakas na sigaw ni President. Ilang sandali lamang at lumitaw sa harapan namin si Andora.

Siya ba? Ang sumumpa kay Sereia?

Lumapit ito sa Hari saka ito sinampal.

"Hindi ako makapaniwalang kayang patayin ng isang Ama ang sarili niyang Anak. Binigyan ko na kayo noon ng babala, sinubukang kausapin ngunit ano? Nanatiling sarado ang inyong mga tenga upang pakinggan ang aking mga sinasabi. Ngayon wala na ang nag-iisa niyong anak. Nagpaloko kayo sa isang impostora Hestia. Nabulag kayo sa katotohanan." Galit na sambit ni Andora sa Hari at Reyna ng Merlian Kingdom.

"Nasa tabi namin ang anak namin Andora hindi mo kami mapapaniwala dahil kauri mo iyon." Saad ng hari dito.

"Nakakatawa ka Lauric, wangis na ba ang labanan ngayon? O lukso ng dugo diba Hestia?" Seryosong ani ni Andora sa mga ito.

Mas lalong napa-iyak ang reyna sa sinabi nito.

"Siya ba? Ang prinsesang pinagmamalaki mo? King Lauric?" Biglang saad ni President sa Hari. Hindi manlang ito nakikitaan ng takot ang mukha nito.

"Lady Hera."

"Diba sinabi ko naman sayo na ako ang magdadala sa Prinsesa dito ngunit ano to? Nagpaloko kayo sa isang huwad. Anak niyo na ang lumapit sainyo ngunit hindi niyo parin siya makita." Malamig na ani nito. Marahas niyang hinila ang Pekeng Prinsesa saka ito pinaharap sa nasasakupan.

"MERLIAN, IS THIS THE KIND OF PRINCESS YOU ARE PROUD OF? NASAAN NA ANG TALINONG IPINAGMAMALAKI NG KAHARIANG ITO? NAGPALOKO KAYO PARA SA ANO? PARA SA ISANG MARKA NA HINDI NAMAN TUNAY!" Sa isang kumpas ng kamay ni President ay bigla na lamang nawala ang Marka ng Pekeng Prinsesa. Nakarinig naman kami ng singhapan mula sa mga mamamayan na nasa baba.

"THE MARK THAT THE PRINCESS HAD CANNOT BE ERASED WITH MAGIC OR ANYTHING BUT CAN BE HIDDEN BY THE USE OF MAGIC IF IT FEELS THAT IT'S FOR HER SAFETY." Malamig na ani ni President.

SEREIA || The Missing TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon