Chapter 5 - Cursed

82 6 3
                                    

*Sereia POV*

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang banayad na paglapat ng isang basang bagay saaking balat. Iminulat ko ang aking mga mata at doon nakita ang isang matandang babae.

"Gising ka na pala iha! Salamat naman sa Diyos at gumising ka na." Masayang wika ng matandang babae. Napalibot naman ang aking paningin sa buong paligid.

Nasaan ako?

Dumako ang mga mata ko sa isang bagay na minsan ko nang napanaginipan, pinangarap at inasam na magkaron.

"Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan iha?"

"Ako po si Sereia." Sambit ko sabay iginala ulit ang mata sa paligid.

"Nasa Lupa po ba ako?" Tila nagtaka naman ang matanda sa itinanong ko. Ngunit tumango na lamang ito bilang tugon."Kung gayon ay nasa Lupa nga ako!" Masayang sambit ko saka akmang tatayo na ng bigla akong matumba.

Doon lamang rumehestro ang lahat saaking isip. Kung gayon ay nasa lupa nga ako at may mga paa, ngunit nasaan ang buntot ko? Teka yung buntot ko! Anong nangyari sa buntot ko?

"Ayos ka lamang ba Iha? Isang buwan narin simula nang matagpuan ka ng Ginoo sa dalampasigan. Kaya siguro sobrang hina pa ng iyong katawan at di pa kayang tumayo." Nag-aalalang saad nito habang tinutulungan akong makatayo at ibalik saaking higaan kanina.

Teka sandali! Isang buwan? Isang buwan na ang lumipas? Pano nangyari yun?

"Lola, yung buntot ko po! Nasaan na po? Bakit naging mga paa ang buntot ko? Nasaan ba ako? Anong lugar ito?" Naiiyak na tanong ko dito. Lagot ako nito kay Inang kapag naabutan niyang wala ako sa ilalim ng tubig lalong-lalo na sa aming tahanan.

"Nandito ka sa kaharian ng Merlian Iha. Kami ang kilalang Water Magic Users at Healers. Siguro ay nagmula ka sa kaharian ng Cystallia at naligaw lamang dito saaming kaharian kaya nasabi mong nawawala ang iyong buntot. Ako nga pala si Salvi iha isang Water Healer." Nakangiting pakilala nito.

"Water Healer?" Takang tanong ko dito. Tubig? Kung ganon ay katulad ko din ba siya?

"Oo,kaya magpahinga ka muna riyan at maghahanda ako ng iyong makakain nang mapadali ang pagbabalik ng iyong lakas at isa pa, tawagin mo nalang akong Nay Salvi okay? Oh siya mahiga ka muna diyan at hintayin mo lamang ako." Huling saad nito bago ito tumayo at naglakad paalis ng aking silid.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid. Sobrang layo ng silid na ito saaking silid. Lahat ng bagay na naririto ay kakaiba at makabago.

Kung ganun ay nasa kaharian ako ng Merlian. Bakit hindi ko alam ang kaharian na ito?Tanging ang Enchanted, Farion, Crystallia, at Dragonia lamang ang nabasa kong kaharian.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now