Chapter 18 - Other Self

46 5 0
                                    

*Sereia POV*

"Kung tatanungin mo rin kung anong nangyari kanina. Nakita kong nakamasid ang isang kahinahinalang lalaking iyon sa likod ng Academy. N-nakita kong may kausap siya ngunit hindi ko nakita ang mukha ng kausap niya. Narinig ko ang pag-uusap nilang nalalapit na ang kanilang pagsugod. Y-yun lamang ang aking narinig." Saad ko sa mga ito.

Nais ko mang sabihin sakanila ang katotohanan ay hindi ko maaaring isugal ang buhay ng aking Inang. Bago pa man magpakahulog pekeng prinsesa na yun ay bigla na lamang itong nagsalita saaking isip.

~FLASHBACK~

"Wag mong tatangkaing sabihin sakanila ang iyong mga nalalaman dahil kung mangyari mang sabihin mo sakanila ang katotohanan, ulo ng iyong Ina-inahan ang ipapadala ko sa harap mismo ng kwarto mo." Pagbabanta nito saakin.

"Hindi mo ako maloloko. Sasabihin ko parin sakanila ang katotohanan." Galit na tugon ko dito.

"Nasa kamay namin ang iyong Ina-inahan, bakit hindi mo tingnan." Nakangising ani nito saaking isip saka bigla na lamang may nagpakitang imahe ni Inang na puno ng dugo at nakakulong sa isang hawla.

Inang..

Bago pa man ako makatugon dito ay bigla na lamang itong nagpakahulog.

Nahihibang na ba siya? Tila hindi maproseso sa akin ang aking nakita at natauhan lamang ako nang makarinig ng sigawan.

Pagkarinig ko nang sigawan na yun ay agad akong tumakbo patungo sa dulo ng hagdan at doon nakitang dinadaluhan ng mga elites lalong-lalo na ni Callum ang pekeng prinsesa na nababalutan na ngayon ng maraming dugo.

Nang-gagalaiti naman akong tiningnan ng mga Elites. Naramdaman ko na lamang ang pagsabunot ni Ate Gabby sakin kasunod ng magkabilang sampal.

"Inggitera ka talagang halimaw ka. Papatayin mo talaga ang prinsesa namin nang dahil lang sa inggit mo. Walang hiya ka, mamatay ka na!" Galit na galit na saad nito habang pilit akong sinasabunutan.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now