Chapter 12 - The Challenge

46 5 0
                                    

*Sereia POV*

Isang buwan na ang nakalipas, at sa mga nagdaang araw sa buwan na iyon ay naging normal naman ang takbo ng buhay ko. Meron parin naman akong naririnig na mga masasakit na salita mula sa mga kamag-aral ko ngunit pinagpapasalamat ko na nasa tabi ko ang mga Elites maging ang kambal. Nakakatuwa dahil sa maikling panahon na magkakasama kami ay tinuring na nila akong tunay na kaibigan. Nakakagaan sa pakiramdam na marami kang kaibigan kahit na ganun parin si Claire ay tinuring ko narin siyang kaibigan.

"Sereia, mauna na kami sa cafeteria. Talagang ayos lang ba sayo kung maiiwan ka dito?" Nag-aalalang tanong ni Samantha. Pansin ko pang parang umikot ang mata nito o baka imahenasyon ko lamang iyon.

"Oo lexy ayos lang, mauna na kayo doon. Susunod na lamang ako sainyo, kailangan ko lang kasing tapusin to para may mabasa naman ang kambal pagkabalik nila." Nakangiting tugon ko dito.

Isang linggo na kasing wala ang kambal. Pinatawag nalang kasi sila bigla sa Kaharian at hindi namin alam kung bakit.

"Yiee, ikaw Sereia ha. May gusto ka sa isa sa kambal noh?" Pang-gigiit ni Lexy sakin na siyang ikinayuko ko sa hiya. Siguradong namumula na ako nito.

"Ang sabihin mo may gusto ang bunso nating ito kay Callum." Pandadag-dag ni ate gabby. Naitabon ko na lamang ang mga kamay ko sa mukha ko dahil sa hiya. Halata ba talagang may gusto ako kay Callum?

"Talaga si Callum ang gusto mo Sereia?" Pakiki-usyuso naman ni Tan.

"Hindi ba obvious?" Natatawang sagot ni Samantha dito.

"Oh siya hayaan na natin si bunso dito. Nagpapa goodshot lang yan sa crushiecakes niyan wag na nating abalahin. Sereia, hintayin ka namin doon ha. Masama magpalipas ng gutom. At saka wag mong seryosohin yang mga bagay na yan ha, ang bata mo pa para magpaalipin sa pag-ibig." Paalala nito sakin kaya napangiti nalang ako sa sinabi nito.

"Opo ate." Sagot ko dito.

"Wow ate gabby, parang kapatid na nga turing mo kay Sereia. Hindi ka naman ganyan samin ah, hinahayaan mo nga lang kami eh."

"Kasi nga bunso ko yan. Halina nga kayo." natatawang saad ni ate gabby sa mga ito saka nauna nang maglakad palabas ng room namin. Naiiling nalang ang ilan sa mga elites saka sumunod sakanya.

Pinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa hanggang sa makaramdam ako ng kung anong kakaibang presensiya kaya napalibot ako ng tingin. Nagulat naman ako nang malaman kung kanino nanggaling ang presensiya.

"Andora.." Mahinang sambit ko sa pangalan nito.

"How are you my dear? Masaya ba ang mamuhay sa lupa?" Nakangising tanong nito.

"Bakit ka nandito? Kung maari lang pwede mo bang ibalik ako sa dati kong wangis?" May halong pagmamakaawa ko dito.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now