Chapter 13 - The Mermaid Promise

32 3 0
                                    

*Sereia POV*

Dalawang linggo na ang nakakalipas at hindi parin dumadating ang sina Callum at Callen. At sa dalawang linggong iyon ay puro pang-aabuso ang natatanggap ko sa tuwing tumatapak ako sa labas ng dorm.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang tatraydorin ako ng mga taong tinuring ko nang kaibigan. Bakit? Ano bang nagawa kong kasalanan para gawin nila ito saakin? Nasasaktan ako kasi binigay ko ng buo ang tiwala ko sakanila eh, hindi lang ako makapaniwalang lahat ng kabutihang ipinakita nila saakin ay purong pagpapanggap lang pala.

Ngunit sa likod ng pagtatraydor nilang iyon ay hindi kailanman ako nagtanim ng galit sakanila. Hindi galit at paghihiganti ang paraan para makaganti sa pananakit nila. Hangga't maaari ay kabutihan parin ang siyang mananaig sa puso ng isang tao. Kaya naniniwala akong makukuha kong muli ang loob nila gamit ang kabutihang taglay ko.

Alam rin ng mga guro ang ginagawa ng mga estudyante dito sakin ngunit maging sila ay hindi rin patas sakanilang tungkulin. Maging sila ay hinuhusgahan din ako at inaabuso rin. May mga estudyante rin naman at mga guro ang naaawa sakin ngunit pinipili nilang manahimik dahil ayaw nilang madamay dito.

Pilit kong tinitiis lahat ng iyon. Noong unang araw ng pagsisimula nilang mang bully sakin nagising na lamang ako sa kung saan ako nawalan din ng malay. Wala ni isa kanila ang tumulong manlang sakin.

Pagdating ko ng dorm, ginawa nila akong alila. Tiniis ko lahat ng pang-aabuso nila at paghahayag ng mga masasakit na salita sakin.

Sa ikalawang araw ay ganun parin ang pinaranas nila sakin. Kundi tatapunan ng pagkain, inumin naman nila ang itatapon. Inutusan pa nila ang tagapagluto na bigyan lamang ako ng matigas at walang lasang tinapay. Lahat yun tiniis ko.

May araw pa nun na binugbog nila ako bago ikulong sa isang abandonadong gusali.

Araw-araw pumapasok ako sa kwarto ko na marami ang pasa. Lahat tiniis ko. Lahat kinaya ko. Dahil alam kong babalik sila. Darating ang araw na pagsisisihan ng mga estudyante maging ng mga guro dito ang lahat ng ginawa nila sakin.

Hindi ako kailanman nagtanim ng galit sakanila. Wala akong intensiyon na maghiganti pabalik. Hahayaan ko na lamang ang tadhana na ang mismong maghusga sakanila at pagsisihan ang lahat ng ginawa nila.

Ngayon ay napahinga ako ng malalim habang nasa tapat ng pinto ng kwarto ko. Ayokong ipakita sakanila na sumusuko na ako sa mga ginagawa nila sakin kaya pinipilit kong pumasok araw-araw. Kapag tuwing sabado at linggo naman, hindi naman ako pwedeng hindi lumabas ng kwarto kaya kahit nasa loob ng dorm inaabuso parin nila ako at lahat ng iyon tiniis ko.

"Kayanin mo pa Sereia, wag kang magpapatinag sakanila. Kayanin mo, Tiisin mo." Pagkausap ko saaking sarili.

Nang makatapak ako sa labas ng kwarto ko ay laking pagtataka ko nang sumalubong saakin ang tahimik na pasilyo. Usually kasi nakahanda na sila sa labas ng kwarto ko para bungangaan, tapunan ng kung ano at saktan.

"Bakit hindi ka nalang umalis dito." Biglang sabi ng nasa gilid ko kaya napatingin sa nagsalita.

"Claire? Masaya akong nakabalik ka na!" Nakangiting saad ko dito saka ito nilapitan.

"Bakit ka pa narito?" Seryosong saad nito.

"Clai---"

"Pahihirapan ka lang nila dito Sereia, naiintindihan mo ba? Sana umalis ka nalang noong nagsimula palang sila." Tila nag-aalalang saad nito.

SEREIA || The Missing TailOn viuen les histories. Descobreix ara