Chapter 9 - Lux Water

46 6 0
                                    

*Sereia POV*

Nasa harap kami ngayon ng isang malaking pintuan na may nakalagay sa itaas nito na Headmaster. Kumatok dito si Callen na wala parin sa mood kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Come in!" Sagot ng taong nasa loob nito kaya binuksan ni Callen ang pinto.

"Welcome back, Aero Princes." Pagbati ng isang lalaking siguro ay nasa Mid-40s na nito ngunit nababakas parin ang pagiging magandang lalaki nito.

"Good Day Headmaster Kim!" Tugon ni  Callen sa lalaki.

"Don't stare too much at him Sereia!" Biglang saad ng katabi kong si Callum. Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi nito. Nakita siguro niya ang pagtitig ko sa lalaking nasa harap namin.

"Hindi naman masyado ah!" Nakayukong sabi ko dito. Narinig ko pa ang pag 'tssk' nito. Nako, umiiral na naman ang pagiging malamig nito.

"And who is this lady you are with, Your Highnesses?" Tanong ni Headmaster sakanila.

"She's Sereia Lim. We want to enroll her here." Pakilala ni Callen sakin kay Headmaster. Ginamit na muna namin ang apelyido ni Nay Salvi.

"Oh! And what is your power or ability Lady Sereia? I sense something strong power from you." Tanong nito sakin. Sasabihin ko ba sakanya? Ang sabi kasi saakin ni Inang ay wag ko lamang basta-basta sabihin kahit kanino ang kapangyarihang meron ako.

Pero siya ang may-ari paaralang ito kaya may karapatan siyang malaman ang kapangyarihan ng bawat mag-aaral nito.

Napatingin naman sakin ang kambal at kapwa hinihintay rin ang sagot ko. Nakalimutan ko palang sabihin at ipakita sakanila ang kapangyarihang meron ako. Pero hindi naman kasi sila nagtanong eh. Ayy ewan.

"Sabi ng Inang ko Lux Water daw ang tawag sa kapangyarihang meron ko." Sagot ko dito, rinig ko naman ang pagsinghap ng mga ito. Bakit? May problema ba sa kapangyarihan ko?

"Lux? Lux Water ba kamo?" Tumango naman ako bilang sagot kay Headmaster.

"Bakit po? May problema po ba sa kapangyarihan ko?" Takang tanong ko dito.

"Maaari mo bang ipakita saamin Lady Sereia?" Tumango nalang ulit ako dito bilang sagot.

Huminga muna ako ng malalim saka dinamdam ang pagdaloy ng kapangyarihan ko sa mga ugat ko hanggang sa lumabas ito sa mga kamay ko.

Napalibutan naman kami ng nakaksilaw na liwanag hanggang sa lumabas ang Tubig na may halong gintong maliliit na kumikinang ang sabi sakin ni Inang parang mga golden dust daw ito. Mas lalong wag na wag daw itong mamaliitin dahil ang mga gintong kinang na ito ay may malakas na epekto kapag tinamaan o hinawakan ng kung sino man. Mas malakas ito kapag naka anyong Serena ako kaya medyo mahina ang ipinakita ko ngayon kumpara noong anyong Serena pa ako.

"Ang Lux! Nasayo ang maalamat na Lux Water!" Hindi makapaniwalang saad ni Headmaster sakin.

Ganito ba kahalaga ang kapangyarihan ko?

"Bakit po? Ano po ba ang Lux Water?" Takang tanong ko dito.

"Ang Lux Water ay nagmula pa sa mga sinauna nating mga ninuno. Ang Lux Water ay maihahalintulad na sa kapangyarihan ng isang Diyosa na naisalin sa pamilya ng kasalukuyang namumuno saatin ang mga Merllux. Ang ikinatataka ko lamang ay kung bakit naisalin ito saiyo na hindi naman Merllux?" Saad nito na tila naguguluhan pa kung bakit nasa akin ang sinasabi niyang maalamat na kapangyarihan.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now