Chapter 17 - Traitor's Action

35 5 0
                                    

*Sereia POV*

Nang makalabas ako ng kwarto hindi kalayuan malapit sa hagdan ay tumambad saakin ang Pekeng prinsesa na nakangising nakatingin sakin.

Ano naman kayang iniisip ng peke na to.

Nanlaki ang mata ko nang matunugan ang nais nitong gawin.

"Princess Selene are you here?" Narinig ko ang boses ng mga elites na nasa baba. Nakangisi parin niya akong tinititigan hanggang sa napansin ko nalang na bigla itong nagpakahulog sa hagdan.

Nahihibang na ba siya? Tila hindi maproseso sa akin ang aking nakita at natauhan lamang ako nang makarinig ng sigawan.

Pagkarinig ko nang sigawan ay agad akong tumakbo patungo sa dulo ng hagdan at doon nakitang dinadaluhan ng mga elites lalong-lalo na ni Callum ang pekeng prinsesa na nababalutan na ngayon ng dugo.

Nang-gagalaiti naman akong tiningnan ng mga Elites. Naramdaman ko na lamang ang pagsabunot ni Ate Gabby sakin kasunod ng magkabilang sampal.

"Inggitera ka talagang halimaw ka. Papatayin mo talaga ang prinsesa namin nang dahil lang sa inggit mo. Walang hiya ka, mamatay ka na!" Galit na galit na saad nito habang pilit akong sinasabunutan.

"Gabby tama na! Tumigil ka na!" Narinig kong pagpapatigil ni Callen dito. Habang pilit na inilalayo saakin si Ate Gabby.

"Bakit mo ba kinakampihan ang halimaw na yan. Tinangka nga niyang patayin ang prinsesa namin. Mamatay tao yan." Galit na galit na sigaw nito kay Callen.

"Wala akong kinakampihan dito. Nakita ko ang pangyayari kaya walang kasalanan dito si Sereia." Galit ring saad ni Callen.

"Hindi mo na kailangan pang pagtakpan ang mamamatay tao na yan Callen." Nang-gagalaiting sigaw nito.

"Hindi ko siya pinagtatakpan dito Gabriella. Baka gusto mong ipakita ko sayo ang mga nakita ko kanina?" Seryosong saad ni Callen dito na siyang ikinatahimik nito.

Nanlilisik ang matang tumingin ito sakin.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa Prinsesa namin, Freak!" Galit na galit na sigaw nito bago bumaba ng hagdan saka dali-daling lumanas ng dorm. Siguro ay para sundan ang pekeng prinsesa nila.

Hindi siya ang Prinsesa niyo. Yun ang nais ko sanang sabihin sakaniya kanina pa.

Hindi dapat pinagtataggol ang mapagpanggap.

"C-callen makinig ka--"

"Alam ko, hindi mo kasalanan ang nangyari Sereia. Nakita ko, nadulas siya kaya siya nahulog. Ako na ang bahalang magsabi ng mga nangyari kay headmaster." Pagpapakalma nito sakin. Napayuko na lamang ako. Bakit ba puro kamalasan na lamang ang nangyayari sakin.

"Sorry ah, simula ng dumating ako dito puro na lamang kamalasan ang dala ko. Naaabala ko pa kayo ni Callum dahil sa mga nangyayari." Nahihiyang ani ko dito.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now