Chapter 20 - Dream

40 7 0
                                    

*Sereia POV*

"Magtiwala na lamang tayo sa Prinsesa, Helga. Alam kong magiging matatag siya. Minsan ko na siyang naka-usap at nagpapasalamat ako dahil pinalaki mo siyang mag kabutihan sa puso. Binigyan ko na ng babala ang kanyang mga magulang ukol dito. Ngunit hanggang ngayon ay pinagtatabuyan parin nila ako at sarado parin ang kanilang mga tenga saaking mga sinasabi." Rinig kong ani ni Andora kay Inang.

"Pano sila maniniwala sayo eh sa ikaw ang puno't dulo kung bakit nawala sakanila ang nag-iisa nilang anak. Nagseselos ka lang sakanila eh." Gatong ni Inang dito.

"Gaga ka,anong nagseselos? Hindi ako ganong klaseng tao noh Kapag hinayaan kong nasa puder nila ang prinsesa iba ang kukuha sakanya, mas lalala pa kung pinalaki ito sa maling tao kaya inunahan ko na ang mga kalaban." Depensa ni Andora.

Matagal na ba silang magkaibigan? Sa aking palagay ay Oo dahil sa pagpapalitan nila ng salitang tanging magkaibigan lamang ang nakakagawa.

"Oo na. Kung hindi lang kita naging kaibigan nako."

"Kaya nga ikaw ang una kong nilapitan diba. Buti nalang bago nila ako ipatapon sa Mortem at ikulong dun ay naka-alis na kayo at hindi nadamay sa sumpa." Kung ganun ay utang namin ni Inang ang buhay namin sakanya.

Akala ko masama siya. Base narin sa mga sinabi noon nila Nay Salvi. Ngunit ang totoo ay siya ang nagligtas sakin sa kapahamakan.

"Salamat sa kakayahan mo. Nailigtas natin ang prinsesa sa posibleng kapahamakan noon." Pasasamat ni Inang dito.

"Minsan na akong nagkamali sa kahariang ito, kaya ako bumabawi ngayon. Kapag naisa-ayos ko na ang lahat babalikan ko na ang pamilyang iniwanan ko." May bahid ng lungkot na saad nito. Pamilya? May pamilya din siya?

Tila nakonsensya naman ako. Sa nagdaang taon na pagkakakuling niya sa Mortem ngayon lamang siya nabigyan ng pagkakataon na mabalikan ang pamilya niya. Kung hindi siguro niya ako iniligtas ay baka kasa-kasama niya parin ngayon ang pamilya niya.

"MAY PAMILYA KA?" May bahid ng gulat na rinig kong ani ni Inang.

"Aba'y malamang Helga. Ikaw lang naman ang hindi nag-asawa saating magkakaibigan noh." Tila namimilosopo pang sambit ni Andora.

SEREIA || The Missing TailWhere stories live. Discover now