43

111 7 0
                                    

LIANA'S POV.

Weeks later.

Nandito ako ngayon sa aking sasakyan papunta sa convenience store.Mag-aala singko narin ng hapon pero hindi pa ako umuuwi.

Agad akong nagpark nang tuluyan na akong makarating dito.Kinuha ko lamang ang susi at cellphone ko bago ako bumaba.

Binati pa ako ng guard roon kaya binati ko rin ito pabalik.

"Magandang hapon rin." pilit ang ngiting gawad ko rito.

Kaagad rin naman akong pumunta sa bilihan ng inumin para kumuha ng dalawang B'lue.Nang mabili kona lahat ng kakainin ko ay nagpunta na ako sa cashier para magbayad.

"120.25 po mam," nagbigay rin naman agad ako ng 150 pesos. "29.75 for your exchange mam.Thankyou!"

Ngumiti lamang ako rito at tumango.
Lumabas narin naman ako dahil may pupuntahan pa ako.

Inilagay kona ang lahat ng binili ko sa passenger seat at tinahak ang daan patungo sa aking pupuntahan.

Syempre.

Katulad ng dating gawi ay binuksan ko ang aking radyo para hindi naman ako mabored dahil wala rin naman akong makakausap,
hindi ko rin naman sinama si Eli.

Speaking of Eli.Kanina pa n'ya ako tinatawagan at tinetext pero hindi ko namna ito mareplyan dahil nga nagd-drive ako.

Siguro ay mamaya nalang pagdating ko.

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal.
Para kang pintura
Buhay ko, ikaw ang nagpinta.
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan.
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot .

"Ano ngang title nito?" tanong kopa sa aking saliri.

Kaya't 'wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala

Kung hindi man tayo hanggang dulo
'Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.

Pinatay ko rin naman na ito dahil parang ako ang pinatatamaan ng kanta o affected lang talaga ako?Tch.

Hindi kona muling binuksan ang radyo dahil baka with a smile naman ang madinig kong kanta rito.

Bumaba na kaagad ako ng makababa sa aking sasakyan.

Pag-apak ko palamang sa lupa ay ramdam kona agad ang pag dampi ng hangin sa aking mukha na tunay ngang kay sarap damhin.

Muli pa akong humakbang nang humakbang hanggang sa makapunta na ako sa aking uupuan,ang lagi naming puntahan ni Eli.

Inilapag kona sa kahoy na lamesita ang lahat ng aking pagkain.Hindi ko ito inalis agad sa plastik dahil baka hindi ko rin naman ito makain sa dami.

Wala na masyadong tao rito dahil pagabi narin naman.Kukunin kona sana ang aking kakainin ng biglang magvibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko rin ito agad.

Si Eli pala.

"Hello Eli?" bating bungad kopa rito.
"[Hoy asan kaba?!kanina pa ako nag-aalala sa'yo,bigla ka nalang nawala!]"

Sabi pa n'ya sa kabilang linya.Hindi ko rin naman ito masisi dahil hindi naman talaga ako nakapagsabi sakan'yang kung saan ako pupunta.

"Sorry hindi na ako nakapag-sabi sa'yo kanina Eli." mahinhin kopang sabi rito.
"[Hays,ano pabang magagawa ko?eh naka alis kana rin naman..Teka nga!asan kanga ba?]"

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon