53

27 3 4
                                    

LIANA'S POV.

"Lagyan po pa 'tong b-baso ko.." halos isigaw kona ang salitang iyon sa bartender.

Napakaingay ng paligid at puro nagsasayaw,naglalasing,naghahalikan lamang ang makikita mo sa tuwing ililibot mo ang iyong tingin.

Naramdaman ko ang pagsasalin ng alak ng lalaking bartender.Lumingon ng muli ako sa aking baso at agad na nilagok ang isang shot ng vodka.

Marahan akong napapikit ang inisang lagukan ko lamang iyon.Kung hindi ako nagkakamali ay pang pitong shot na ang aking naiinom.

"V-vodka fa." umiikot na aking paningin pero patuloy parin ako sa paghingi ng shot.Ni hindi kona makilala ang sarili kong boses ngayon.

Alam kong may tama na ako at patuloy akong malalasing kung hindi ako titigil sa pag-inom.Padabog konang ibinaba ang baso para ipahiwatig sa bartender na ito na lagyan pa n'yang muli ang baso.

"A-ano ba! Salinan myuna ng vodka."

"Lasing na po kayo mam.." mahina pang sabi nito.

Agad na umakyat ang inis ko dahil sakan'yang sinabi.Hindi pa ako lashing 'no!

"Hidni pa ako l-lashing, a-ano!" bulyaw kopa sakan'ya.

"Ano po muna ang lashing mam?" tumatawa pang sabi ng bartender.

Nanunusot ba s'ya?

"What ish your problema ba, ha!" ngayon ay totoony inis na ang aking nararamdaman.

Tumigil naman sa pagtawa ang lalaki at umubo ng isang beses.

"Magkwento nalang po kayo mam, if you don't mind. Halos lahat po kase ng naglalasing dito ay may mabigat na problema na kinakaharap.." bartender pa talaga ang isang 'to o isang chismosa?

Tinitigan ko ito ng matagal para tignan kung mapagkakatiwalaan ba ang isang 'to.Sa palagay ko naman ay oo.Kumikibot-kibot pa ang gilid ng kan'yang labi at ang kilay nito ay nagtataas baba pa.

"Kapag ba nagkwento ako, shashalinan myuna 'tong baso ko, ha?" tinataas kopa ang baso ko.

Parang bata naman itong tumango ng paulit-ulit.Naningkit pa ang mata ko,sa huli ay umayos ako ng upo.

Umubo pa ako ng isa bago magsimula sa pagkwekwento.

"I-i have a childhood friend," pauna kopang kwento pero agad rin na napatigil dahil sa kalasingan.

"Kaya po ba kayo naglalasing ngayon, mam?" tanong pa ng nasa harap ko.

"Patapusin mo muna ako."

Narinig ko naman ang kan'yang pagtikhim kaya nagpatuloy pang muli ako.

"Maybe i was 7 or maybe 6 y-years old that time. Lagi ko s'yang kalaro,umulan man o umaraw,kasama ko s'ya. P-pero isang araw,hindi na s'ya nagpakita pa. Dahil i was young pa naman noon hindi kona inalam pa kung nasaan s'ya,binura ko panga ang name n'ya sa slambook ko that time. Hahahaha so childish.." sa pagkwekwento ko ay parang nawawala na ang kalasingan ko.Ultimo ang utal kong salita ay nawawala narin.

"Hahahaha,ganyan rin po ako dati noon mam. But,what the next thing happen?"

"Syempre years past,4th year highschool na ako noon ng may nagtransfer sa school namin.Kapangalan panga n'ya,"

"Baka naman s'ya na 'yon." tumingin pa ako sa lalaki at tinignan ito ng masama.

"Pwede bang patapusin mo muna ako,ha?" may halong inis na ang tono.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon