Prologue

1.3K 112 91
                                    

"Can i ask you?"

Napansin ko naman ang pagkibot ng kaniyang labi bago umayos sa pagkakaupo.

"Walang problema, tanungin mo lang ako nang tanungin. Basta't ikaw," pumangalumbaba siya at doon  nag-aantay ng itatanong ko.

Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. Ngayon ay maglalakas loob na akong tanungin siya ng ganitong mga bagay. Sana lang ay makuha ko ang gusto kong kasagutan sakaniya.

Matagal niya akong tinignan.

"Bakit moba ako laging tinutulungan?" matamis na ngiti naman ang ginanti niya sa akin.

Ayokong mag assume pero parang ito na ang pagkakataon na hinihintay kong sabihin nya sa akin ng harapan na...gusto niya  ako.

"Hindi pa ba obvious?" natatawang sabi niya.

"A-ang alin ba?" kunwaring tanong ko pero parang alam kona kung saan papunta itong usapan namin.

Parang lalabas na ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito dahil sa biglaan niyang paghatak sa akin at agad akong ikulong sa bisig niya upang mayakap. Akala ko hanggang doon lang yun dahil sa pagkakataon na ito lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

"Because i like you...I really like you from the very start Felli," humiwalay siya sa pagyakap at tinignan ako sa mata habang matamis na nakangiti. "ayoko lang sabihin sa'yo ng personal dahil baka iwasan mo ako at hindi na kausap-"

"No! Hindi ko gagawin yon dahil gusto din kita. Matagal nadin kitang gusto. Hindi kolang magawang masabi yon dahil baka hindi mo ako gusto. Pero noong sinulatan mo ako at sinabi mong gusto mo ako, gusto kitang hanapin non at sabihin sayong, parehas tayo ng nararamdaman." putol ko sa sasabihin niya. Kaya agad naman niya kong hinila ulit at niyakap. Sa pagkakataon na ito gumanti narin ako nang yakap sakaniya.

"Hindi ko alam na ganon din pala yung nararamdaman mo sa akin, sorry kung wala akong lakas ng loob sabihin sayo ng harapan para ipaalam sayo kung gaano kita kagusto," napangiti naman ako sakaniya at lalong hinigpitan ang yakap.

Sobra saya pala na malaman na gusto ka ng taong gusto mo.

Nagtagal pa kami sa ganong sitwasyon hanggang sa kusa na siyang humiwalay sa pagyakap sa akin, pero ang mga kamay niya ay nasa bewang ko padin. Tumingin siya sa mga mata ko habang matamis na nakangiti sa akin.

"I love you so much Felli." agad naman akong napangiti at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina kopang pinipigilin dahil sa tuwa. Agad naman siyang nataranta at hinawakan ang pisngi ko para mapunasan ang mga luha ko.

"B-bakit ka umiiyak, may nasabi ba akong hindi m-maganda, sayo?" sinabi niya iyon habang patuloy sa pag pahid sa mga luha ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang patuloy sa pagpunas sa aking luha. Nakangiti akong nakatingin sa mga mata n'ya.

"Wala kang nasabi na hindi maganda, natuwa lang ako dahil yan yung mga salitang gustong gusto kong marinig sayo mula pa noon." napalitan naman ng ngiti ang kaninang tarantang mukha.

"I LOVE YOU, I LOVE YOU, I LOVE YOU VERY MUCH, MY LADY."

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon