25

272 24 0
                                    

LIANA'S POV.

Nagising ako sa isang mahabang tunog.

Hindi naman ako nag alarm ngayon pero bakit may tumunog.

Dahil sa alarm na tumunog napabangon ako sa pagkakahiga at napaupo ako,kinapa kopa ang gilid ng unan ko para makuha ko ang cellphone ko pero pagtingin ko ay wala naman akong nakaset na alarm kaya naman pinatay ko nadin agad at binalik naden sa gilid ng aking unan.Pero ng sisimulan konang bumalik sa pagkakahiga ay may tumunog pang muli at sigurado na'ko kung kanino yon.

Kay Eli.

Tinignan ko pa s'ya bago ko kunin pero tulog na tulog parin s'ya kaya naman kinuha ko na agad 'yon at tinignan kung anong oras ba ang sinet n'yang pang alarm pagtingin ko ay 4:00 ng umaga at may nakalagay pa na 'tumunog ka magjojogging kami ni Lia' medyo nawala naman ang antok ko sa nakalagay don at medyo napatawa pa.

Punyawa HAHAHAHA.

Dahil matagal nadin naman kaming hindi nakakapag jogging ay sinimulan konang mag una't at bumangon kinuha ko nadin ang bag ko sa lamesa at kinuha ang gray kong tshirt at leggings,nagdahan dahan pa'ko sa paglalakad patungo sa banyo dahil baka madinig ni Eli at magising pa s'ya.

Mamaya ko nalang s'ya siguro gigisingin pagkatapos kong maligo.

Sinimulan konang maligo habang sinasabayan din ng pagkanta.

'Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay Pinapanalangin lagi tayong magkasama Hinihiling bawat oras kapiling ka

Kung sanay pwede lang...

Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man

Ikaw ba talaga yon?...

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam Makapiling ka habambuhay
Ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa Wala na

Aish kaso baka hindi,hindi naman n'ya masyadong kahawig yon pati ah basta hindi s'ya yon.

Ewan koba pero sa twing kinakanta koyon ay may naaalala akong isang tao na sa hindi ko maintindihan kung bakit s'ya ang unang pumapasok sa isip ko sa kantang yan.Inalis ko nalang yon sa isip ko at pinagpatuloy na lamang ang pagligo.

Lumabas nako habang suot suot ang aking nike gray tshirt and black leggings,mas komportable ako pag ganto ang suot pate hindi din to masyadong mainit sa katawan dahil maluwag.Naabutan ko si Eli na umiinom ng tubig habang nakapikit pa ang kaliwang mata siguroy inaantok pa s'ya.

Sinalubong ko naman agad s'ya ng masayang bati."Goodmorning Eli!kakagising molang ba?nakaligo na'ko e maligo kanalang din na." nagmulat naman s'ya ng dalawang bata habang hawak hawak pa ang baso sa kanang kamay.

"Goodmorning den,grabe sobrang bangag pa'ko tapos ikaw pa na unang maligo sa'ken dat ginising mo'ko." napapatawa naman akong lumapit sakan'ya.

"Tulog na tulog ka kaya pate mukhang napasarap ang tulog mo kaya hindi na kita ginising." tumapat naman ako sa salamin at nagsuklay na.Maya maya lang dim ay pumasok na sa banyo si Eli.

***

"Mommy alis na kame ni Lia!." sigaw pa ni Lia habang nasa labas na kame ng kanilang gate, mabilis lang din kaseng nakatapos maligo si Lia kaya nakababa din kame at kumain na at eto naman na kami nasa labas ng kanilang gate para magjogging.

"Mag iibgat kayo sweetie,alright?..." tumango naman kaming dalawa ni Eli bang sagot sakna'ya."Magj-jogging kayo ha hindi magf-foodtrip." napatawa naman kaming dalawa sakan'ya.Dahil sa twing nagugustuhan naming mag jogging ay sa foodtrip lagi nauuwi.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon