52

20 4 0
                                    

LIANA'S POV.

Nasa may labas na ako ng aming building habang nasa aking harapan ko naman si Mr.Sevial.Ngayon ay seryoso na ang kan'yang mukha hindi kagaya kanina na halos mag mukha na s'yang bata.

"I'll go ahead na.." pauna pa n'yang sabi.

"Thankyou for giving us time kahit alam kong marami karing ginagawa, Mr.Sevial."

"For your company, always welcome." ngumiti naman ito at puno ng sensiridad ang kan'yang mukha.

Ngumiti lamang ako habang tinignan s'yang tumalikod papunta sakan'yang sasakyan.
Sa tikas ng kan'yang katawan ay humahapit na rito ang suot-suot n'yang tuxedo.Papasok na sana s'ya nang biglang may pumaradang sasakyan sakan'yang tapat at bumaba roon ang isang babae.

"Oh my god sweetheart! Kanina pa kita hinihintay rito!"

Sweetheart? WTF?

"What are you doing here, Honey?"

Honey?!

Nagpalipat lipat na ang tingin ko sa babaeng ito at kay Mr.Sevial.Alam ko rin na nag-iiba na ang na awra ko dahil sakanila.

"I just want to visit you, tinanong ko sa secretary mo and he said na nandito ka raw." maarte pang sabi ng babae habang nakacrossed na ang kan'yang kamay sa dibdib.

"Where's dad then?" tanong pa ni Luigie.
Ngayon ay gulong-gulo na ako.Bakit n'ya sa babaeng 'to tinatanong kung nasaan ang dad n'ya?mag-asawa naba sila?!

Marahan akong napapikit sa inis na aking naramdaman.Pag mulat ko ay gulat ako ng makitang nakatingin na ang babae sa'kin ganon rin si Luigie.

"Who is she?" biglang tanong ng babae habang sinisipat na ako ng tingin.

"Ms.Felliana, my business partner." hindi naman maalis ang tingin ko sa babae at kung hindi pa ito naglakad patungo sa'kin ay hindi pa ako makakapagsalita.

"I'm Felliana Kim Del Fuego, the owner of Del Fuego Company." pilit ang ngiti ko rito at inilahad ang kamay.

Naglahad rin naman ito ng kamay sa'kin.

"I'm Sabrina Sevial." nakangiti pa nitong pakilala.Nakipagkamay pa ako.

Asawa n'ya ba talaga 'to? Hindi naman siguro diba? Ugh!

"S'ya ba iyon, sweetheart?" lumingon pa ito kay Luigie para magtanong.Hindi ko naman maintindihan ang kan'yang ibigsabihin.

Kumunot pa ang noo ko habang tinitignan silang nag-uusap.Ang kamay ko ay handa nang manampal.

"Oh," bigla namang naging mapanusot ang tono ng babae.

Umangat ang gilid ng labi ni Luigie. "What?!" ngayon ay nakataas na ang isang kilay.

"Wala pa akong sinasabi, sweetheart." natatawa ng sabi ng babae.Napakalandi naman nila! Dito pa talaga naglandian,ha.

Kung hindi ko lamang business partner ang kan'yang asawa ay baka napaalis kona sila.
Kumukuyom na ang kamay ko,nagtitimpi ng galit.Kung bakit ba dito ba sila naglalandian.
Pwede namang sa ibang lugar nalang,hindi yung sa harap kopa talaga.

"So ikaw pala 'yon ha." may halong panunusot pang sabi ng babae sa'kin.

"Honey!" gulat naman akong napalingon kay Mr.Sevial nang sumigaw ito.

Bigla namang humalakhak ang asawa nito.
"Hahahaha, what? Kinukumpirma ko lang naman ah! Over react ka naman sweetheart." natatawa paring sambit nito.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon