45

25 4 0
                                    

LIANAS POV.

"Thank you parin po Mr.Addison." ngumiti lamang ito sa'kin at lumabas narin.

Nag-unat pa ako dahil sa nararamdaman pagod ng katawan.Tapos na ang aking huli meeting with Zedutrev Corporation at hindi ko rin naman nakuha ang partnership with them,wala narin naman akong susunod pang meeting.Itinaas ko naman ang aking kanang kamay para tawagin ang aking sekretarya.

"Yes mam? Ipapadala kona po ba8 ang lunch niyo?" tanong pa nito ng tuluyan na s'yang makalapit.

Tumango naman ako dito ng magkakasunod.
Lumabas naman ito at may kinausap saglit.

Kasing tanda ko lang rin Nathalie,ang aking sekretarya.Kwela s'ya pero kung minsan naman ay seryoso.Ang alam ko ay bago palang s'ya dito kaya naman baka hindi narin nya naabutan si dad.

May bigla naman kumatok ng tatlong beses sa pinto,marahil ay si Nathalie na ito.

"Come in." saad kopa dito.Bumukas naman ang pinto at niluwa naman nito ang babaeng may dala-dala ng aking pakain.

Yayayain ko nalang rin siguro sya.

Ibinaba naman nito isa isa ang aking pagkain.String beans ang una nitong binababa sunod ang pininyahang adobo at ang kanin.Bitbit ang tray na pinaglagyan ay nagpaalam na ito agad.

"You can join me Lili, wala kana rin naman nang gagawin." nakangiti kopang sabi dito.Bigla naman s'yang napaharap at lapad agad ng ngiti ang una kong napansin sakan'ya.

"Talaga po mam?" hindi makapaniwala pa nitong tanong sa'kin.Sa tagal kona dito ay ngayon po pa lamang s'ya naayang kumain kaya naman hindi nako magtataka kung bakit ganon na lamang ang tuwa n'ya.

"Hindi nako magtatanong pa mam,baka magbago pa po isip nyo eh. Upo napo ako ah?" hindi pa manlamang ako sumasagot sa tanong n'ya ay nakaupo na s'ya at hawak na din n'ya ang isa pang kutchara.

Para talaga s'yang si Elinia, mini Elinia.

Napapatawa naman ako sa sarili kong tanong kaya naman pagbaling ko ng tingin kay Lili ay nakakunot ang noo nito na para bang gulong gulo kung bakit ako tumatawa mag-isa.

"Uhm, y-you can eat now." ako ba talaga ang boss o s'ya? Parang ako pa ag nauutal sakanya.

Hindi naman na s'ya nag alinlangang at nagsimula naring kumain.Take note ha,mas nauna pa s'yang kumain kesa sakin.

Naglagay na ako ng isang kutcharang string beans at isang kutchara rin na cordon bleu saking plato at nag-umpisa narin akong kumain.

Parehas naman kaming tahimik na kumakain ni Lili ng basagin ko ito.

Hindi si Lili kung hindi ang katahimikan.

"Sorry mam,ano po iyon?" pagtatanong pa n'ya ng hindi n'ya madinig ang aking sinabi.

Nag alinlangan pa ako kung itatanong kobang muli ito o hindi nalang.Sa katunayan kasi ay may kadaldalan na taglay itong si Lili pero dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman s'ya ay itatanong kona rin.

"K-kung ikaw ba ang tatanungin. Ipapahandle moba sa ibang tao yung kumpanya na matagal na pinaghirapan ng daddy mo or kung sino man sa pamilya mo." tanong kopa rito.

Napatigil naman s'ya sa pagkain at biglang tingin sa malayo,animoy nag-iisip ng malalim.

"Sa katunayan po n'yan mam hindi naman ho kami kasing yaman ng pamilya n'yo kaya wala rin po kaming kumpanya kagaya n'yo po,hehehe."

Napasinghap naman ako sa naging sagot n'ya sa'kin dahil akala ko ay magiging maganda ang sagot n'ya sa'kin.

"Hmm. Nag bibiro ka diba?"

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon