54

28 4 2
                                    

LIANA'S POV.

Nagising na lamang ako sa hindi pang karaniwang kwarto.Idinilat ko ang isa kopang saradong mata at sinilip ang silid.

Halos itim lahat ng aking nakikita,ultimong kisame ma pa ding-ding ay kulay itim.
Bumangon ako ng umayos ng upo.Kahit anong isip ko ay hindi ko alam kung nasaan ako at kung bakit ako nandito.Ni isang sagot ay walang pumapasok sa isip ko.

Tinignan ko ang suot suot ko at wala naman ang nagbago doon.Ang suot ko paring pantalon na tinernohan ng plain tshirt ay suot ko parin naman.

May biglang kumaluskos sa may gawi ng pinto kaya napatingin ako.Nanlaki ang aking mata ng makita ko si Luigie na galing roon.May dala-dala itong tray,at paki wari ko ay pagkain ang laman noon.

"Oh, gising kana pala. Goodmorning, lady." nakangiti pa s'ya ng sabihin iyon.

Kumunot ang aking noo at pinagmasdan s'yang inilalapag ang tray sa kalapit kong lamesa.

"A-anong ginagawa ko dito?" napahawak ako sa aking ulo ng may maramdaman akong kirot doon.

Para ng sasabog ang aking ulo ngayon dahil sa sakit nito ngayon.Ugh! Naglasing nga pala ako kagabi!

"Take this," biglang sambit ni Luigie.Tinignan ko lamang s'ya at inirapan. "C'mon take this lady, pampawala 'to ng sakit ng ulo mo."

"Uuwi nalang ako!" pasigaw kopa iyong sinabi.

"Bakit parang galit ka?"

Nakuha n'ya pa talaga akong tanungin kung galit ba ako o hindi ha.Ni hindi manlang n'ya naisip kung anong nararamdaman ko.
Nagmumukha akong kabet dito!

"Bingi ka ba? Uuwi nga ako diba!" pinilit kong tumayo kahit hawak hawak ko ang aking sintido dahil sa sakit ng ulo ko.

Nagmadali naman itong alalayan ako.
Kinukuha rin n'ya ang aking kamay para mas maalalayan pa.Pero dahil isa nga akong mapagkunwaring babae na itinatago ang kilig sa katawan ay pilit kong tinatabig ang kan'yang kamay kahit ang totoo ay gustong-gusto ko.

"I can!"

"No lady, you can't."

Bakit ba ang kulit n'ya! Ni hindi ko naman sinasabi sakan'yang gawin n'ya ito para sa'kin.

"Let me do this for you. Kumain kana muna at ihahatid na kita pauwi pagkatapos nito." mahinahon pa n'yang sinasabi iyon.

Hinarap ko s'ya. "Bakit ba ako ang tinutulungan mo? Bakit hindi iyong asawa mo ang tulungan mo!" ang aking kamay ay nakakuyom na.

"Hindi pa naman kita asawa." nanlaki ang mata ko sakaniya.Nakuha pa n'ya ang magbiro!

"Hindi ako ang tinutukoy ko!" halos lumabas na ang litid ko sa galit.

Mahina naman s'yang napatawa. "Ikaw lang naman ang gusto kong maging asawa." hindi ko alam kung saan s'ya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon ng harapan sa akin.

"Well, i don't want you to be my husband Mr.Sevial." naiiritang sabi ko sakaniya.

Lumapit naman siya sa'kin ng bahagya kaya napaatras naman ako. "You, just, want me to be yours?" sinapak ko naman ang dibdib niya dahil sa inis.

"Kay kapal rin naman talaga ng mukha mo, ano? May asawa kana, ang landi-landi mo parin!"

Payak naman siyang napatawa. "Ikaw lang ang nilalandi ko dahil gusto kitang maging asawa. What wrong with that?" nakakunot pa ang kaniyang noo pero bakas ang pang-iinis dito.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon