03

538 76 27
                                    

LIANA'S POV.

Lunch time na naming natapos ang paglilibot.Naging pabor rin sakin ito para hindi na ganong mahirapan ang mga bagong estudyante sa bawat building na kanilang madadaanan.

Ito kami ni Elinia sa tapat ng cashier habang na-order ng lunch naming dalawa. "Anong sayo Eli?" tanong ko sa kaniya.

"Abodo and nuggets," sagot niya lang habang dinudungaw ang bawat pagkain sa menu.

"Hindi ka mag-ra-rice?"

"Ayoko."

Nagkibit balikat lang ako.

Kagaya ng nakasanayan ay ako ang umoorder pero siya ang nagbabayad.Isang linggo rin akong makakatioid dito.

Sinabi kona din ang order ko at naghintay ng mga ilang minuto bago dumating ang order namin.Agad din kaming humanap ng ma-u-upuan.

"Nakakapagod yon Liana! halos lahat ata ng building dito napuntahan na natin." sabi niya habang nilalapag ang tray ng pagkain.
Umupo na din ako at tumulong na mailapag ang pagkain sa lamesa.

"Iyon nga pa lang Luigie na sinasabi mo.. nandoon ba?" tumingin naman ito sakin na parang nag-iisip.

"Ewan, sa daming transferee hindi ko na din napansin kung siya nga yon." sabi ko sabay subo ng pagkain.

Napansin ko namang naningkit ang mata niya.Napakunot noo ako.

"Ano?"

"Hindi mo talaga napansin o sinipat manalng kung baka kamukha niya?" naniniguradong tanong niya.

"May isa akong napansin, kahawig niya pero, malabong-malabo na siya yon."

Hindi ako nagpahalatang minumukaan ko ang isang yon.Tumango-tango lamang siya sa paliwanag ko.

"Okay, sabi mo, eh.."

"Ano nga pala yung nangyari sayo kanina at natagalan ka?" gitla naman siyang napatingin sakin na ipinagtaka ko.

"A-ano? kase, h-hindi talaga aako nag-cr. nakita ko si Harry kaya sinabi ko sayo na ba-banyo ako kahit hindi naman talaga."

"Oh, ano ang nangyari?" nagtaka naman ang reaksyon niya.

"Anong anong nangyari?" napabuntong hininga muna ako bago sagutin ang tanong niya.

"Diba nga sabi mo kanina, kaya ka nagtagal dahil may nangyari pa." naliwanagan naman siya sa sinabi ko.

"Ah yon, wala lang yon nakita ko lang talaga sila." naningkit ang mata kong tumingin sa kaniya.

"Talaga? ba't parang meron? sabihin mo na kase!" pangkukumbinsi ko pa sa kaniya para lamang sabihin sakin.

"Anong meron? Wala nga! Tulek," lalo pang naningkit ang mata ko sa pagtingin sakaniya.
"Kainis! nakakainis naman! sige na, sasabihin kona, sasabihin kona!" napangiti naman ako sa kaniya ng nakakaloko.

"O sige, simulan monang magkwento." panunusot kopa sakaniya.Ngumuso naman siya habang masama ang tingin sakin.

"Kase nga ganto! diba nga sabi ko sayo mag c-cr ako?" tumango naman ako habang ang nakakalokong ngiti ay hindi parin mawala."Wag mo nga akong tignan ng ganyan! nakakainis ka naman." napatawa naman ako sa espresyon ng mukha niya.

Magkwekwento lang ay hindi pa daretsuhin.
Pinapaligoy-ligoy pa.

"O sige, tuloy." umiiling pang sabi ko.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon