01

817 94 59
                                    

LIANA'S POV.

Nakasakay ako sa aming sasakyan habang pinag-da-drive ni kuya Naths. Nathan talaga ang tunay nyang pangalan pero dahil gusto daw nya ng ibang tawag sa kanya ginawa kong Naths.

Pababa na ako ng bigla akong tawagin nito."Liana, anong oras ba ang uwian niyo para masundo kita".

"I-te-text ko nalang po kayo kuya Naths, baka po kase magpatawag pa po nang meeting." tuluyan na aong bumaba at kumaway."Ingat po kayo!" nakangiting sambit ko dito. Kinawayan naman nya ko at tuluyan nang umalis.

Matagal na naming driver si kuya Naths. Ang asawa naman nito ay samin din nag-ta-trabaho, si manang Beth. Madalas na maikwento nito sa akin ang pag-aalaga nito sa akin dati. 

Naglalakad na ako sa pathway papunta sana sa bulletin board ng biglang may umakbay sa akin gulat akong napatingin dito.

Ang makulit na mabait na si Elinia.

"Magkaklase tayo Liana! Section Godric tayo." buong galak niyang sabi sa akin.

"Parang hindi ka naman nasanay, lagi naman talaga tayong magkaklase." natatawang sabi ko dito, napanguso naman siya.

"Ah basta kaklase kita, tara na nga." napadala naman ako sa agaran niyang paghila sa akin.

Noong magsimula na akong pumasok sa school ay siya na agad ang naging malapit sa akin. A very good friend, travel buddy, a shoulder to cry, and a secret keeper. Highschool bestfriend din  sina mommy at si tita Rachel kaya mas naging malapit kami sa isa't-isa. Kaya naman madalas ay siya na ang tinuring kong kapatid dahil sa pagiging malapit namin sa isat-isa.

Last year na namin dito sa highschool at parehas kaming student council. Minsan ay hindi na kami naka-ka-attend ng klase dahil laging may biglaang patawag ng meeting para sa student council.

"Hoy Liana, baka gusto mong sagutin yung tawag? kanina pa may tumatawag sayo." bumalik lang ako sa reyalidad dahil sa sinabi ni Elinia. Agad ko namang tinignan ang cellphone ko.

Mr. Maverick calling..

"Hello po Mr. Maverick?."
"[Hello Liana? Pwede ba kayong sumaglit dito ni Elinia?]"

"Sige po Mr."
"[Okay then, thankyou.]"

Call ended..

"Oh sinong tumawag sa'yo?" agad na tanong niya.

"Si Mr. Maverick, pinapatawag lang tayo saglit." nagtaka naman ang mukha nito.

"Bakit daw?" nagkibit balikat lang ako at tinulungan syang makatayo."Hays magiging busy na naman tayo." pabirong sabi nya.

Alam ko ag kilos niya. Napipilitan lamang siyang sumunod dahil alam niyang pag tumulak kami sa office nito ay magiging busy na namin kami. First day na first day ay nang gugulat si Mr. Maverick.

Agad na kaming umalis at nagtungo sa kaniyang office. Lage nya kaming pinapatawag pero ang isang ito ay wala akong clue kung bakit.

Si Elinia ang unang pumasok at bumati.

"Goodmorning Mr. Maverick!" sabay naming bati ni Eli. Napalingon ako sa kaniya at na sa akin pala ang tingin niya. Sabay kaming napatawa.

Napapatawa rin itong tumawa mula sa kaniyang swivel chair.  "Goodmorning din ladies. So pinatawag ko kayo dahil may ipapagawa ako sainyong dalawa." ma-awtoridad nitong sabi.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon