59

15 2 9
                                    

LIANA'S POV.

Ilang minuto nalang ay susunduin na ako ni Luigie.Kalapit ko si mom na nakaupo habang si Lily naman na kasama ko mamaya ay nasa labas habang maykausap sa cellphone.

"Oh, Lia..nasaan iyong sekretarya mo?" biglang tanong ni manang Beth mula sa pagpupunas nito ng lamaesa.

Tumingin naman ako dito bago sumagot.
"Nasa labas lang po manang, may kausap po sa phone."

Bumaling naman ito ng tingin sakin. "Eh, iyong nobyo mo?"

Nagulat namna ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakapagreact.Hindi ko pa naman nasasabi sakanila ang tungkol samin ni Luigie dahil balak namin ay sabihin ito bukas pagkatapos ng dinner mamaya.

"P-po?" utal na tanong ko.Hindi ko alam kung dapat kobang iliko nalang ang usapan namin ngayon ng sa gayon ay maging iba ang pinag-uusapan namin.

Bigla namang tumayo si mom kaya napatingin ako dito.Naglakad ito palapit kay manang at napatingin rin si manang Beth sakaniya.Umawang naman ang kaniyang bibig kaya labis ang naging pagtataka ko sakaniyang reaksyon.

"A-ang ibigsabihin ni manang ay...iyong n-nobyo ni, Lily. Kung mayroon ba siyang boyfriend?"

"A-ah, hindi ko po alam. Hindi rin po namin napag-uusapan." maikling sagot ko.

Kahit nagtataka ay winaglit ko nalang iyon sa aking isipan ang concentrate na nagtype para itext si Luigie.

Luigie:
Are you coming? Ingat sa pagmamaneho. :))

Maya maya lang ay sumagot naman agad siya.

Luigie:
I'm on the way,my lady. Don't be nervous,please.

Ngumiti lamang ako sakaniyang reply at hindi tinago na ang cellphone sa pouch.
Kasabay naman non ang pagbalik upo ni Lily galing sa labas.

Nilingon ko naman ito at tinanong kaagad.
"Is everything alright?" tumaas naman ang kaniyang dalawang kilay at tinuro ang sarili.
Tumango naman ako bilang pag-oo.

"Tumawag lang po si Irish, may tinanong po. Ayos naman po." nakangiti niyang tanong atsaka tuminging muli sa cellphone.

Napatingin naman ako sa gawi nina manang at mom na nakangiting nag-uusap na parang kinikilig.Dapat ay bibiruin kopa sila ngunit hinid ko na lamang tinuloy.Binaling ko na lamang ang tingin ko sa labas para makita ko kung nandyan naba si Luigie.

May narinig naman akong mga yabag ng paa mula sa pinto kaya napaayos ako ng upo at lumapad ang aking ngiti.Ngunit unti-unti kong naitikom ang aking bibig mula sa pagkakangiti ng pumasok mula doon si kuya Naths,asawa ni manang Beth.Hindi ko naman maitanggi sa sarili ko ang pagkadismaya ng akalain kong si Luigie na iyon.Oo nga pala at bubusina iyon kung narito na siya.

Napatingin naman sakin at malapad na nakangiti.Wala sa sariling napakunot noo ako.Ano ba ang mayroon sa mga taong ito at parang ang wiwirdo naman nila ngayon.Si manang Beth at mom na parang pinagtatakpan ang sari-sariling nilang tanong sakin,si Lily naman na focus sa cellphone na hindi naman karaniwang ganon at huli ay si kuya Naths na sobrang laki ang ngiti sakin pagkapasok pa lamang.
Napaiiling-iling naman ako sa sarili kong mga naisip.

Tatlong katok naman sa pinto ang nagpabalik ng tingin sakin doon.Nagtama ang tingin namin ni Luigie at matamis na nakangiti sakin.Ganon rin naman ang naging reaksyon ko at napangiti rin.

"Goodevening po tita, manang, Lily," lumipat ang tingin nito kayna mom na nasa kusina.

Tinignan ko rin naman sila at magiliw rin naman silang nakatingin dito.Naglakad pa patungo sa pintuan si mom kung nasan nakatayo si Luigie habang hindi parin pumapasok.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon