23

272 22 1
                                    

Halos 10 days din ang nakalipas nung huli kong update napaka tagal HAHAHAHAHAHAHHA,siguro every weekend nalang ako makakapag update dahil sa sobrang dameng ginagawa.

Goodluck sa studies nyo at wag kayong mapressure kaya nyo yann!!

Hope to enjoy your reading godbless!!♡

‍‍‍‍‍LIANA'S POV.

Nakangiti ako habang papasok sa bahay namin kasama si Eli,pumunta kasi kami sa lagi naming tambayan halos inabot din kami ng dalawang oras sa pagkwekwentuhan,
tawananan at hindi na nga namin namamalayan na naubos na pala namin lahat ng pagkain na binili namin.

Akala ko pa naman may matitira kame.

Hindi ko alam kung ba't panay ang ngiti ni Eli kanina pa,pag tinatanong ko naman ang lagi lang n'yang sagot ay 'wala lang'.

Siguro nga at baliw na s'ya,baliw kay Harry.

Nagdoorbell muna ako at nakalipas na ang ilang minuto ay wala parin nagbubukas kung hindi pa nagsalita si Eli ay maii is na'ko.

"Pumasok nalang kaya tayo,baka hindi lang nila nadidinig sa loob." napakunot naman ang noo ko sa sinabi n'ya.

Bakit naman hindi nila madidinig?

"E baka kasi wala sina mom jan,sa tingin mo kaya?." tanong ko sa'kanya habang binubuksan ang gate ng pintuan.Tanging kibit balikat lamang at ngiting ngiti ang isinagot n'ya sa'kin."Bakit ba parang sobra naman ang pagkakangiti mo ngayon?."

"Wala nga lang HAHAHAHA tara na nga pumasok na tayo." napatawa nalang din ako sa'kanya at sinimulan ng maglakad papasok ng bahay.

Nagtanggal na'ko ng sapatos ganun din si Eli,kumuha naman na'ko ng sandals(tsinelas) at isinuot na kumuha din si Eli at isinuot nadin.Sa gilid kasi ng pinto ay nandoon ang lalagyanan ng mga sandals gusto kasi ni mom ng malinis sa gamit at ayaw n'ya ng kung saan saan palagay lagay ng gamit.

Binuksan kona ang pinto at nagulat ako ng isang malakas tunog ang nadinig ko kaya naman napatakip ako ng tenga,nang mag angat ako ng tingin ay nagulat ako ng makita si dad at harry na may hawak hawak na confetti habang malawak ang ngiti sa'kin.

Tumingin naman ako sa unaha at nakita ko si mom na nay hawak hawak na banner na tingin ko ay pinagawa nila,si manang beth naman ay may hawak hawak na tatlong lobo ganun din si kuya naths.

"CONGRATS LIA!!!" sabay sabay pa nilang sabi kaya naman ang mga luha ko ay agad na nangilid.Unang lumapit sa'kin si mom upang yakapin at sumunod naman si dad.

"Congratulations Lia anak napakagaling mo kanina anak." nakangiti pang sabi ni dad kaya naman niyakap ko uli s'ya.

Ang mga luha kong kanina pang nangingilid ay kusa ng bumagsak ng yakapin nila akong lahat at sabay sabay na binati.

"CONGRATS BABY HIHIHIHI!!"

"CONGRATS HIJA"

"CONGRATS LIA!TALAGA NAMANG NAPAKA GALING MO KANINA"

"CONGRATULATIONS PAMANGKIN HIHIHI!!"

"CONGRATS ATE LIA!"

"CONGRATS COUZ!!"

"YIIEEE CONGRATULATIONS LIA BEYB!!"

Panay naman ang papuringat congrats ang natanggap ko,akala ko ay doon lang nagtatapos iyon pero naduktungan pa iyon ng may biglang umakbay sa'kin at subukan kong lingunin ay si Ezekiel pala.

An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon