26

291 22 4
                                    

Andaming ganap,mga gagawin at isa lang ang masasabi ko gusto konang carbonara ngayon period.

Pero seryoso andaming gagawin ang routine ko na ngalang everyday kumain,maligo,magsagot ng module,matulog yun nalang paulet ulet kung minsan nga nakakalimutan konang maligo,ang nonsense ng mga sinasabi ko ngayon ha HAHAHAHHAHAHAHA.

Basta don't give up,patuloy kalang mangarap dahil one day lahat ng 'yon matutupad mo lahat ng gusto mo maa-achieve basta samahan molang ng sipag at dasal.

Maikli lang to pate mabilisang sulat lang to kaya andame siguro netong typo HAHAHAHAHHAHA,basta maikli to.

Hope to enjoy your reading godbless lovelots!!

••••


LIANA'S POV.

Nakarating din kami malipas ang mga ilang minuto.Kung titignan mo sa labas ay baka mapagkamalan mo natong isang restaurant dahil sa ganda at linis nitong taglay.

Tama nga si Luigie malapit lang ito at malinis.

May mga ilan nading kumakain ang ilan naman ay mga kagaya namin na kakatapos lang din magjogging ang ilan naman ay mga driver.

Si Eli ang unang pumasok pagkatapos ay sumunod naman ako at huli si Luigie.
Lumapit na kami sa may unahan kung saan may mahabang lamesa,madaming putahi ang nakahain merong Menudo,Kaldereta,
Adobo,Sinigang at kung ano ano pa at masasabi kolang na nakakatakam ang lahat ng ito.

"Ang sasarap Lia noh?.." tumango naman ako dito habang nakatitig parin sa lahat ng nakahain."..anong o-orderin mo Lia?ako baka adobo tsaka hmm sisig siguro."

Hays grabe ano bang pipiliin ko dito.

Nagtitingin pa'ko ng may biglang magbukas ng isang takip ng pagkain kaya naman napatingin ako dito."Ito try mo 'to Felli,masarap 'to pati ito main dish nila dito e hehe." tinignan ko naman ito at napatingin pang muli ako sakan'ya dahil hindi kopa alam ang tawag sa pagkain naito."A-ah 'yan lechon kawali."

Dahil mukha naman din itong masarap ay iyon na lamang ang inorder ko.

"Uhm dalawa pong order ng sisig,isa pong order ng adobo at lechon kawali." sabi ko pa kay ateng nagtitinda tumango naman ito at nagtanong.

"Ano nga palang gusto n'yo sa kanin miss,yung sinangag ba o plain rice?."

"Ano ba sainyo?sinangag nalang sa'kin e." sabe kopa sakanila pero dahil gaya gaya silang parehas ay yun naden ang sakanila.

"Sinangag nalang den sa'kin Lia hehe"

"A-aken den Felli sinangag nalang"

Tumango naman ako sakanilang dalwa at tsaka ngumiti pagkatapos ay sinabi kona kay ate ang order ko."Tatlo pong sinangag ate, tsaka po meron po ba kayong kape?." tumango naman s'ya habang nakangiti."Isang pong order non."

"Order mo den kame ni Luigie Lia." bulong pa sa'kin ni Eli napatawa naman akong idinagdag ang order namin.

"Tatlo na po palang kape ate,salamat po!." masigla kopang sabi sakan'ya.

"Pili na kaya ng p-pwestuhan n'yo,may mga bakante pa naman jan na saktuhan sainyong tatlo at dadalhin ko nalang sainyo ang order n'yo miss,salamat den!." ngumiti naman ako sakan'ya at tumingin tingin nadin ng bakanteng lamesa.

Nakahanap naman din kame kaya naupo na kame.Apat ang bangko nito si Eli ang unang umupo at doon sana ako mauupo ng ilagay n'ya don ang kamay n'ya."Ops bawal dito,ayun dun ka nalang sa kabila oh hehehe." sabi pa nito.Wala namang akong nagawa at naupo nalang,kahit din si Luigie ay hindi n'ya pi aupo kaya naman sa may katabi ko nalang na bangko s'ya naupo at kaharap naming dalawa si Eli.

Naghihintay pa kami ng mga ilang minuto ng biglang dumating ang order namin isa isa itong inilapag pagkatapos ay nagpasalamat lang kami at kumain nadin.

Tuloy lang ako ng tuloy sa pagkain ng makaramdam si Eli na maiihi s'ya."May cr ba dito?.." tumuro naman si Luigie sa may gilid na bahagi kung saan nandon ang banyo."Whshs nac-cr na talaga ako." bago pa manlang kami makasagot ay tumakdo na ito papuntang banyo.

Siguro ay sobrang naiihi na'to.

"A-ano nagutuhan moba?." tumingin naman ako sakan'ya at tsaka magkakasunod na tumango habang hawak ko sa magkabila kong kamay ang kutchara't tinidor.Ngumiti naman s'ya sa'kin at pinindot ang tungkil ng aking ilong.

W-wait parang...

Napatigil naman ako ng may biglang pumadok sa isip ko.

Kung s'ya 'yon bakit iba na ang itsura n'ya?

Tila nagulat fin s'ya sa ginawa n'yang pag pindot sa tungkil ng aking ilong kaya naman tumingin na s'ya sa plato n'ya at walang sabi sabi ay kumain nang muli.Ako naman ay kumain nadin pero ang nasa isip ko ay hindi parin mawala.

Posible kayang s'ya 'yon?...

Kumain lang ako mg kumain dahil nasarapan ako sa lechon kawali sa sinabi ni Luigie ng may biglang tumawag ng pangalan ko galing sa may likuran ko kaya naman napatingin ako dito at ng makita kona kung sino iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong magulat dahil sa ganito ba namang kaaga at hanggang ngayon ba naman ay nandito pa s'ya at pumunta pa talaga s'ya ha.

Pero pano n'ya nalaman na nandito kame?aish alam kona!

"Felli!namiss kita!!." sinalubong naman n'ya ako ng yakap kaya naman ay mga taong kumakain ay napatingin samin dahil sa pagkakayakap n'ya sa'kin.Kusa din akong umalis sa pagkakayakap n'ya dumistansya naman ako ng mga ilang hakbang sakan'ya."Oh bakit ka umaatras?."

Tanong pa n'ya sa'kin,hindi ko anman s'ya sinagot at ako ang nagtanong sakan'ya."Bakit ka nandito?i-i mean is ganitong kaaga at pate sinong nagsabe sa'yo na nandito kame?si El---."

Nakuha ko naman din ang sagot sa tanong ko sakan'ya ng may biglang malakas na tawag ang tumawag sa pangalan n'ya."Ezekiel!bute nakapunta ka noh?hehehe." sabi pa ni Eli.

Lumapit naman sa'kin si Ezekiel at aakbayan pa'ko ng lumayo ako sakan'ya at lumapot sa pwesto ni Luigie."Hello Eli!naku yun ba?alam mo namang malakas sa'kin si Felli pate manliligaw n'ya ako diba?kaya naman may karapatan akong sundan s'ya."

Karapatan your face.

"O-oh bakit kaba lumalayo?.." dugtong pa n'ya sa sinasabi n'ya kanina."Pate oh Luigie,ano kumusta kana vro?may timbangan naba sainyo?HAHAHAHA,baku biro lang pero mas maganda nga kung bumili ka n'yon." hindi ko naman nagustuhan ang mga sinasabi n'ya kaya ako na ang sumagot ng mga iyon.

"Pwede ba Ezekiel 'wag mo s'yang insultuhin." iritado kong sabi sakan'ya.Tumingin naman ako kay Luigie at nakita kong napabuntong hininga din s'ya,nakita naman n'ya na nakatingin ako sakan'ya kaya naman nagbaba s'ya ng tingin sa'kin at tsaka ngumiti.

Matangkad kasi s'ya at ako naman ay saktuhan lang ang height kaya naman kailangan oa n'yang magbaba ng tingin sa'kin.

"Oh sorry,sorry vro sorry Felli,pero dito ba takaga kayo kumakain?."

"Yes." maikli kong sagot skaan'ya.

"Op!op!op!wag na kayong magsalita ang iingay n'yo lang,kung kumakain na tayo oh!naguguton na kaya ako." hindi naman nako nagsalita pa sakan'ya sa halip ay umupo nalang sa gitna nilang dalawa dahil wala naman na'kong choice kung hindi makalapit si Ezekiel.

Nagtuloy tuloy na lamang kami sa pagkain kung minsan ay nagtatanong si Ezekiel sa'kin at sinasagot ko anman iyon patin rin naman si Eli ay puro ang tanong din sa'kin kung hindi sa'kin ay kay Luigie o Ezekiel pero si Luigie naman ay nanatiling tahimik at uusap lang s'ya kung sakaling s'ya ay tatanungin namin.



An Eloquent Love | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon