Chapter 26

36 5 1
                                    

"Girls, kanina pa kayo?" Bumungad samin ang mga kaibigan ko na may dalang duffle bag sa sala. Si Chantelle at Carmela nakahiga sa carpet habang si Allynna naman naka taas ang paa habang naka upo sa sofa. 

"Hindi naman po tita. Kadadating lang po namin mga 30 minutes ago." Nakipag beso sila kay mom at nag mano naman kay dad. 

"Kumain na ba kayo?" Dad asked them.

"Hindi pa po tito. May pagkain po ba kayo?" Napaka kapal talaga ng mukha ni Ally buti na lang anak na din turing sa kanila ng parents ko.

"Yeah, we have some nag paluto ako. Tara sabay sabay na tayo kumain ng dinner." Sabay sabay kaming nag punta sa dining area. 

Nakahanda na ang lahat ng pag kain kami na lang ang hinihintay. Maids normally eat sa table nila na nasa maid quarters din. Dad always makes sure that once or twice a week they will join us for supper. We don't want them to feel that they do not belong here dahil lang sa katulong sila.

Tumabi ako kay Dark dahil simula naman nung nakilala namin siya ganito na talaga ang pwesto. Butler  Kevin and Hercules sat beside Yuan, habang ang mga kaibigan ko naman tumabi sa butler na syempre pinangungunahan ni Allynna. 

Nida immedietly took the seat beside Dark. Namumula at halatang nahihiya dahil lahat kami ay napatingin sa kanya. 

"Woah, easy young lady. Madami pang upuan di ka maagawan." Dark told her while smirking. Mas lalong namula si Nida. I know hindi ko pa sinasagot si Dark pero naiinis ako. 

Dad lead the prayer after that nag unahan ang mga kaibigan ko sa pag kuha ng pagkain na parang hindi pinapakain sa kanila. On the other hand, Nida are putting foods at Dark's plate. Tuluyan na akong nainis at nangunot na ang noo.

"Hindi siya kumakain ng chicken liver." Sabat ko nang makitang nilalagyan ni Nida ng adobong atay ang plato ni Dark.

"P-pero miss, masarap po ito. " Pilit niya sabay tingin kay Dark. "Sir specialty ko po ito kaya sigurado po akong hindi kayo mag sisisi na tikman ang niluto ko."

"Ako na lang ang kakain niyan." Ibinigay ko sa kanya ang plato ko na kanin pa lang ang laman bago ko ito nilagyan ng ulam na alam ko na kakainin niya. 

"Thanks, mon ange." ngumiti lang ako sa kanya. "Salamat din Nida pero hindi talaga ako kumakain niyan eh."

"O-ok lang po sir. I'm sorry." Tumingin ako sa mga taong kasama namin sa hapag. Lahat sila naka ngisi sa akin.

I ignore them at nag simula na lamang kumain. Hindi pa din mawala ang kunot sa noo ko lalo na't nakikita ko ang pag sulyap sulyap ni Nida kay Dark. Siya pa ang nag lagay ng tubig sa baso. Kulang na lang nguyain niya ang pagkain ni Dark para lulunukin na lang nito. 

Hindi ako ma- attitude sa mga kasama namin sa bahay pero hindi ko maiwasan na umirap dahil sa kinikilos ni Nida. 

"Sagutin mo na kasi. Nairap ka pa eh." Yuan uttered in the middle of silence.  

"Shut up, little monkey." Tinawanan niya lang ako. 

"Kamusta naman ang stay mo dito Nida?" Mom asked her. 

"Ayos naman po ma'am. Masaya po ako na nag tatrabaho para sa inyo." Sagot niya.

"Masaya siya ma'am kasi araw araw niya nakikita si sir Dark." Sumabat ang isa naming kasambahay.

Namulang muli si Nida. "H-hindi po yun totoo ma'am."

"Hindi totoong masaya ka na nag tatrabaho sa amin?" Naningkit ang mata ni mom na ikinalaki ng mata ni Nida.

"Hindi po yun ang ibig kong sabihin. A-ang ibig ko po sabihin ay yung s-sinabi ni Joy."

"So you're not happy to see me here?" Dark asked her.

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon