Chapter 5

84 8 0
                                    

Nag aya mag swimming ang mga kaibigan ko kaya heto ako at nakaupo sa buhanginan habang naka suot ng blue bikini. Yung mga kaibigan ko ay nasa gilid ko nag papa-tan. Wala akong magawa kaya kinuha ko ang phone ko and texted Dark.

To Dark:
Hey, we're here at the beach. You can rest for today bukas na tayo mag simula mag hanap ng spot for our restaurant.

I sent it to him and after a few seconds, nag reply siya.

From Dark:

Sunod ako sa inyo. I'm so bored here. I want to relax with you so wait for me there.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Relax with me? As in ako lang hind kasama mga kaibigan ko?

Hindi nag tagal nakita ko ang bulto ng isang lalaki papalapit sa akin. It's Dark. He's wearing a floral blouse with three buttons open and a khaki short he also wear sunglasses kasi mainit.

"Done checking me out?" He asked nung makalapit na siya.

"Kapal ng mukha mo!" Bulyaw ko sa kanya.

"Joke lang, 'to naman hindi mabiro." At tinawanan niya ako at umupo sa likod ko habang nakatingin sa karagatan.

"Alam mo ba? Every time I go to the beach I find peace. Lalo na kapag sunset. Kaya sobrang magiging masaya ako if talagang sa beach tayo makakapag tayo ng restaurant." Kwento niya sa akin.

We both look at the sunset. Ang ganda talaga. Hinding hindi ako mag sasawang panoodin ang sunset kasi tulad ng sabi ni Dark nagkakaroon ng kapayapaan sa mga sandaling iyon. After the sunset bumalik na kami sa room at nag palit ng damit para sa dinner. I wear simple denim high waist shorts and a white halter top and paired it with criss-cross sandals at inilugay ang buhok ko. Hindi na ako nag abala mag lagay ng make up, cheek tint and liptint lang para hindi hassle mag tanggal mamaya pag uwi.

"Tara na girls, baka nag hihintay na si Dark sa atin sa labas." Aya ko sa kanila.

"Sus! Ang sabihin mo hinihintay 'KA' na niya sa labas" banat ni Carmela.

"Punyeta kayo napaka issue niyo." Inis na sabi ko sa kanila. "Nag mamalasakit lang ako sa tao kasi baka mainip kakahintay tapos bibigyan niyo ng malisya? Napaka niyo!"

"Ah ganon ba? Akala kasi namin naging marupok ka agad eh. Kita pa naman namin kanina ni Chantelle na para kayong lowkey couple na nanonood ng sunset kanina." Nag aasar pa na sabi ni Carmela.

I look at her with confused eyes. "What lowkey?"

"You know? Chill lang. Like ayaw niyo ipaalam sa madlang people na may relasyon kayo." Chantelle explained.

Napatango ako sa sinabi niya. "But we don't have a relationship. We're not a couple guys so stop this bullshit" I cross my arms in front of my chest. "I thought you love me girls but how come na pati kayo ibinubugaw ako kay Dark na kakakilala ko lang?"

"Aw, wag ka na mag tampo, Altaira. We just want to see you happy. You know, hindi sa lahat ng oras kasama mo kami kapag inatake ka ng insecurities and anxiety mo and even your family busy din sa business niyo." Chantelle hug me. "You know how much we love you and we don't want to see you sad that's why binubugaw ka namin para kapag wala kami mapapasaya ka niya."

I felt touched by what she said. Gosh, I really love these girls. "Ano ba, ang drama niyo naman. Tara na kasi lumabas na tayo at gutom na gutom na ako"

"Oo nga Chantelle, tigil mo na drama mo gutom na bulate ko sa tiyan." Carmela agreed. After that lumabas na kami at tama nga ang hinala ko, Dark is patiently waiting outside our room.

"Oh by the way Carmela kailan ka nag patattoo?" Napansin ko ang maliit na minimalist lotus tattoo sa taas ng collar bone niya.

"Last last week." She smiled at me bago kami tumulak palabas.

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon