Last Chapter

70 5 0
                                    

I was stun for a second. Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaluhod at may hawak na singsing. Is this for real or nananginip lang ako?

"Dark? What- are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko na may nag lalarong ngiti sa labi.

"Yes. I have no time to waste, Altaira." May namuong luha sa mata niya. "Remember what I told you nung nasa California pa tayo?" 

"Na sasabihin  mo pag uwi natin ng Pilipinas ang dahilan kung bakit mo nagawa yun?"Tumango siya. "What about it?"

"I'm dying." Nawala ang ngiti sa labi ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. "I have pericardial mesothelioma. End-stage. In my case, hindi na kaya ng chemotherapy at radiation. Every month I need to go to the doctor to drain the fluid in my heart and lungs. I only have few months to live."

Unti unting nag sink in sa akin ang lahat. Kaya ba gustong i-biopsy si Dark nung nabaril siya dahil may hinala na silang may sakit si Dark? "How could this happen? You look healthy and doing fine, paanong mamamatay ka na?"

"I look healthy before. Haven't you notice that I lose some weight?" Umiiyak niyang sabi. "Kumalat na sa baga ko ang cancer. Every day nahihirapan akong huminga. Hindi ko lang pinapakita sayo dahil ayaw ko'ng mag alala ka."

"Sa tingin mo hindi ako nag aalala ngayon?" Humahagulgol akong napaluhod para pantayan siya. "Sa tingin mo may nag bago ba na ngayon mo lang sinabi sakin?"

"I'm sorry. Ngayon ko lang sinabi kasi ayokong masaktan ka. I have no plans of telling you about my condition. That's why I tried to push you away before because I don't want you to get hurt, but when you told me that you're pregnant doon ko ginustong igugol na lang lahat ng oras na natitira sa akin para alagaan ka at kung papalarin man, mahawakan at mahalikan ko man lang ang kambal kahit isang saglit lang.. "

Umiling ako. "No. Stop saying that! Mabubuhay ka." Hinawakan ko siya sa mukha at tinitigan sa mata. "Look at me. Mabubuhay ka Dark. Aalagaan pa natin ang mga anak natin. Sasamahan mo pa ako sa pagtanda."

"How?" Tumulo ang luha ko. "Wala ng paraan para magamot pa ang sakit ko. Every day is a miracle for me. Araw araw umaasa na lang ako sa himala na magigising pa ako. Walang sigurado ang buhay ko. I could die anytime. I could die tonight."

"Hindi, hindi pwede, Dark." Hagulgol ko.

"Ayoko nang sayangin ang bawat oras na natitira sakin, Altaira." Hinawakan niya ang kamay ko. "Please be my wife. Please?"

Lumuluha akong tumango sa kanya. Isinuot niya sa akin ang singsing na may tatlong diamond  at hinalikan ako sa noo. "I'll meet you in the altar."

"Wait, what?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nag bukas ang pintuan sa kwarto at nag silabasan doon ang mga lumuluha kong kaibigan. They are wearing a dusty blue dresses.

Inalalayan nila akong tumayo at pinaakyat sa kwarto. Pag pasok doon, inayos nila ang makeup ko pati na ang buhok. Buti na lang waterproof ang makeup na nilagay sa akin kanina. Matapos ako'ng i-retouch, nilabas nila ang isang puting skirt na may mahabang train at kaparehong design ng dress na suot ko. 

I realized that what I'm wearing is not just a simple dress kundi isang gown din. My tears began to flow again ng isuot nila sa ulo ko ang mas mahaba pa sa train ng gown ko na veil. It was designed with pearls and rhinestones sa buong side ng belo. Nang maayos na ang pag kakalagay ng belo, ibinigay nila sa akin ang white rose bouquet. My mother entered the room wearing a teal maxi dress. She's with some videographers. Umiiyak na lumapit sa akin si mom at isinuot ang pearl set of jewellery. 

"This set of jewellery was traditionally worn by every first bride of the Buenavides family at ngayon ikaw na ang mag susuot. Ang nag iisang prinsesa ko, ikakasal na." Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. "Please be happy."

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon