Chapter 32

43 5 5
                                    

"Tinawagan ko na si kuya Dark. Mag dadala daw siya ng pagkain." Ibinulsa ni Yuan ang phone niya bago lumapit sa akin. 

I keep on gargling a mouth wash dahil sa tuwing naalala ko na kumain ako ng kanin na may ipis, naususuka ako. Ano yun hindi sinasadyang may ipis doon or may nag utos? Imposible naman na may nag utos kasi sino naman ang may galit pa sa amin bukod kay Porsia at Eljun.

"We will investigate about this ate." Yuan informed me. "Imposible na hindi sinasadya na nilagyan ng ipis ang pagkain mo. This is a hospital. Dapat lahat ng lugar dito malinis lalo na ang cafeteria nila. If they can't maintain cleanliness edi siguro dapat ipasara ito."

"Calm down Yuan. Fine, mag pa imbestiga ka." Suko ko.

Namayani ang katahimikan sa paginatan namin at tanging ang pag bukas lang ng pintuan ang narinig.

"Yuan, speak. What happened?" Inilapag niya ang mga pagkaing dala niya sa harap ko pero kay Yuan deretsong nakatingin.

"It was just an accident, Dark. Chill-"

"I am not talking to you Altaira." Napanguso ako sa sinabi niya.

"Sungit." Nahiga ako at tinalikuran sila. Bahala siya dyan panget silang dalawa!

Napatili ako ng maramdaman ko ang kamay ni Dark sa balikat ko. Iniharap niya ako sa kanya bago hinawakan ang likod ko at pilit na pinaupo. "Eat."

Pinamulahan ako ng mukha habang nakangusong dinampot ang mga utensils. Nag sandok ako ng kanin at inilagay ito sa plato. Tatlong ulam ang dala niya at lahat paborito ko. Cheesy omelet, adobo at pinakbet na may pineapple chunks. Yummy!

"I don't know kuya. I have this feeling that there's something off." Yuan said.

"It's impossible na ipinagutos to. Porsia's dead, Eljun is in the other room fighting for his life so who will be the possible suspect behind this happening?" 

Itinuro ko ang tinidor kay Dark at puno ang bibig na nag salita. "That's what I am telling him. Galing same tayo ng utak."

"Don't talk when your mouth is full." He opened a bottle and give it to me. "Kumain ka lang wag ka na sumabat kung ayaw mo paalala ko nangyari kanina."

Napatigil ako sa pag tungga sa bote at tinignan siya ng masama. Pinilit ko ialis ang image ng pagkain ko kanina pero hindi ko kinaya. Nailuwa ko ang pagkain na nasa bunganga ko at inilagay ito sa tissue. Mas pinatalim ko lalo ang tingin ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Bullies!

Hindi ko na sila inimikan pa at pinilit na lang tapusin ang pagkain ko. After I finish my meal, lumabas si Yuan para tignan ang CCTV footage habang si Dark naman ay may inasikaso tungkol sa pag labas ko dito bukas. 

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang gc naming apat ang ingay nilang lahat active na active.

Ally: Mag download na kasi kayo ng mobile legends. Bilis na!

Chantelle: Ano ba kasi meron sa larong yan? Pano laruin?

Ally: Pindot pindot ka lang tapos makakapatay sa na. 

Carmela: Ang tagal mag download naiinip ako mga shuta

Ally: Hintayin mo kasi! Para kang tanga di naman agad agad yan.

Altaira: What's happening? Madaling araw na bat di pa kayo tulog?

Ally: Altaira download ka din ng ML. Lalaro tayo bilis may internet ka naman dyan diba?

Altaira: ML what?

Carmela: Mobile Legends: Bang Bang.

Natawa ako sa reply ni Carmela. I'm not sure kung may bang bang ba talaga pero naiimagine ko siyang sinasabi yun.

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon