Chapter 27

34 4 0
                                    

Past 8 am nang magising kami ng mga kaibigan ko which is fine because every saturday morning hindi masyadong madami ang tao sa restaurant. Dahil sa inaantok pa ang lahat nag padala na lang kami kay Nida ng breakfast para dito kumain.

Usually, 7 am nasa restaurant na ako but because of the sleepover, I'll go there 1 pm this afternoon. I don't know my friend's plan for today. Probably go to work or Baka mag shopping.

"Do you have any plans later this afternoon?" I asked them.

"I'll go shopping later. Kapatid ko ang nasa company ngayon eh." Chantelle yawned.

"I'll go with you. Gusto ko mag shopping para sa anniversary ng RCC." Allynna said.

"I have to meet someone. Hindi ako makakasama sa inyo." She looked at me. "Tayo na lang mag sama sa shopping pag malapit na ang event."

Tumango ako. Refusing to utter a word dahil inaantok pa din ako. After breakfast nanood Muna kami ng Hamilton dahil parepareho naming favorite to.

"Ang pogi talaga ni Anthony Ramos. Ang swerte ni Jasmine." Sabi ni Ally matapos mapansing nag tatawanan si Peggy at Laurens sa bandang likod na hagdan habang kumakanta si Eliza ng Helpless.

"Swerte nila pareho sa isa't isa. Parehas magaling kumanta. Parehas hot."

"Yeah." Sangayon ko kay Carmela.

We spend our whole 2 hours and 40 minutes watching and getting hyped in every song of Hamilton. If you will ask me what musical film I'd like to watch forever, my answer will be Hamilton. Just Hamilton.

"Tangina lang talaga pag yung magiging asawa ko katulad ni Alexander. Di ko siya kakantahan ng Burn, kasi ibuburn ko talaga siya."

Mga tinatamad pa kumilos ang mga kaibigan ko kaya matapos ang movie ako ang pinauna nilang maligo habang sila ay nag aaksaya ng oras sa pag gamit ng phones at pag scroll sa social media. Mag tatanghali na kaya binilisan ko ang pag aayos ng sarili para kahit papaano ay maaga ako makakapunta sa restaurant ngayong araw. 

Dark didn't gave me the folder, siguro ay nakalimutan niya at dadalhin niya na lang mamaya sa restaurant. It's not a big deal though, hindi naman sobrang importante ng files ko doon at puro approval na lang niya ang need. I won't be needing those files 'cause like what I've said, every saturday afternoon madaming customer so my staff will be needing my help.

As an owner hindi lang dapat chill ang buhay mo lalo na kung ang business na pinasok mo ay katulad ng ganitong iaasa mo lang lahat ng gawain sa staffs mo, if you can help, then help. Simpleng bagay lang but it will be a big help to those who make your business work. 

It is also important to build a strong relationship between you and your employees para ilo-look forward nila ang bawat araw na papasok sila sa trabaho but always set a boundary para may respect pa din sila sayo as a boss. See? Sobrang bait ko na amo sa kanila pero nagagawa ako traydurin.

Matapos ko mag ayos, lumabas ako at hinayaan ang mga kaibigan ko na mag unahan sa pag ligo. Chantelle took a shower first habang si Ally naman ay lumabas ng kwarto habang dala ang mga damit para siguro maligo sa common bathroom sa baba. Carmela, on the other side of the bed, looking so angry at whom she's texting. 

"Galit na galit ka sinong ka text mo?" Halos mapatalon siya sa biglaan kong pag sasalita.

"Uh, isa sa employee sa company namin.." Sagot niya habang nakasapo ang kamay sa dibdib. "Nakakagulat ka naman Altaira, bigla ka na lang nag sasalita."

"Luh? Masyado ka lang pre occupied dyan sa kausap mo kaya ka nagulat." Inirapan ko siya. "Bat ka ba kasi galit sa kaibigan mo. Kulang na lang suntukin mo yang phone mo eh."

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon