EPILOGUE

94 5 3
                                    

He's gone. It hurt me so bad knowing the fact that the guy I used to be with is now in heaven. Until know hindi ko pa din matanggap at hindi ko alam kung kailan ko pa ito matatanggap. Sobrang sakit ng pagkawala niya. Bakit kasi hindi na lang pwedeng mabuhay siya hanggang sa tumanda kami? Bakit kailangan na ganito ang manyari sa amin?

I always go back to the day we first met. Binalikan ko isa isa ang mga ala-ala naming dalawa. I remember how happy he was nung una niyang nakita ang heartbeat ng kambal. That's the most precious memory na hinding hindi ko kakalimutan.

Napapikit ako ng mariin at napayakap na lamang sa unan na palagi niyang gamit noong nabubuhay pa siya. It's been a months simula nung mailibing namin siya pero parang kahapon lang nangyari dahil sa sobrang sakit pa din ng nararamdaman ko sa puso ko.

Bumangon ako at tinignan ang kwarto naming dalawa. "You already left me alone in this room but, I can still clearly see you doing your works here." Bulong ko sa hangin.

Lumabas ako para uminom ng tubig. I know this will be hard but I need to move on. I need to clean our room para may pag kaabalahan naman ako at hindi lang umiyak buong araw. I have a restaurant pero si mom ang nag aasikaso sa ngayon. Wala akong ganang mag trabaho at makisalamuha sa mga tao. Ayokong makita ang mga lugar na mag papaalala sa akin kung gaano ako kasaya noong nabubuhay pa siya.

Sinumulan ko'ng ayusin ang kama sinunod ang dalawang crib. Ever since we got home, pinalipat ko from nursery room to our room ang mga gamit ng kambal. Dito din natutulog si mom dahil hindi ko kayang alagaan sa gabi ang dalawa kung ako lang mag isa. Madalas din nandito ang mga kaibigan ko para abalahin ako a hindi na malungkot sa pagkawala ng asawa ko, pero sa gabi hindi ko pa din maiwasang umiyak. Miss na miss ko na si Dark sobra!

Pinulot ko ang mga kalat at pinalitan ng punda ang mga unan. Pinalitan ko din ang bed sheet ko at inilagay iyon sa laundry basket. After I finished my bed, kinuha ko ang vacuum and start cleaning the floor. I know, I shouldn't be doing this lalo na't ilang buwan pa lang akong nakapanganak but I need to distract myself.

Hindi ako nahirapan sa pag lilinis because some of our maids helped me kaya after an hour of cleaning our room natapos na kami. Ermelinda and Lucien are both crying. Gutom na ata kaya pinagtimpla ko sila ng gatas. After that, nakatulog na ulit sila.

Nahiga ako sa kama para mag pahinga hanggang sa hindi ko namalayan na unti unti na akong nakakatulog at nagising na halos mag gagabi na. Mom is downstairs, nilalaro ang mga apo niya kasama si dad. Hindi ko na muna sila inabal at bumalik na lang sa kwarto. 

I looked at his cabinet sa loob ng walk-in-closet at nilapitan ito. For the first time after that day, bubuksan ko na ulit ang damitan niya. Gusto ko itong ayusin kahit alam kong hindi na kailangan kaya kinuha ko ang mga damit at inilagay iyon sa kama. Inumpisahan ko itong itupi at ibinukod ang panlakad niya sa pambahay na damit. I was enjoying fixing his things when something caught my attention.

Kinuha ko ang velvet box at binuksan ko ito. Inside the box has a lot of written letters by him. Inisa isa ko itong basahin and my tears began to flow again. Karamihan sa sulat humihingi siya ng patawad. I finished reading all of his letters that was obviously for me at kinuha ang dalawang natirang laman ng box.

"CD?" I asked myself. Out of curiosity sa kung anong laman ng CD plinay ko ito sa flatscreen TV sa loob ng room.

Sa umpisa ng video makikita mo siya na sineset- up ang camera. Natawa ako kasi seryosong seryoso siya at nakalabas pa ang dila habang inaayos ito.

"Ok na ba? Ok na yan. Di naman siguro putol mukha ko pag nakita niya ito." napakamot pa siya sa batok niya habang sinasabi iyon. I smiled.

"Hi love, uhm, I made this video for you 'cause I want you to know how much I love you." Muli nanamang bumuhos ang luha ko. "You changed my life baby. You saved me hindi lang dahil sa ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nasagasaan noon kundi dahil binigyan mo ako ng rason para ipagpatuloy pa ang buhay ko. You taught me how to build my own dreams in a way na hindi ako makakasakit ng ibang tao. Itinuro mo sa akin kung paano mag patawad at mag mahal ng walang hinihinging kapalit.

Under The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon