Chapter 1

675 29 1
                                    

Selena POV

Nakasakay ako ngayon sa taxi dito sa amerika. Papunta akong airport upang umuwi sa pinas. And its been seven years ng huli kong apak sa lupa kong sinilangan.

Sobra akong nasasaktan dahil sa nangyayari. Ako lang ata ang uuwi ng pinas ng malungkot at natatakot. Natatakot na may isa na namang mahal ko sa buhay ang maaring mawala sa akin.

Kung yung ibang kababayan na nakikita ko ay malapad ang ngiti dahil babalik na sila sa pamilya nila ako naman ay hindi dahil uuwi ako para sa kakambal kong may taning na ang buhay.

Masakit pero wala na akong magawa kung iyon talaga ang plano ng diyos para sa kanya.

Nalulungkot lang ako para sa asawa at anak niyang maiiwan niya kung sakali man na kunin na siya ng may kapal.

Dalawa na lang kami ni ate Selene sa buhay. Namatay ang mga magulang namin dahil sa isang aksidente. Dead on arrival sila nung dumating sa ospital. Kaka eighteen lang namin non. At isa iyon sa pinaka mahirap na sitwasyon na hinarap naming magkapatid. Kaya kami na lang ang nagdamayan sa isat isa.

Napagkasunduan namin noon na ibenta lahat ng ari arian na minana naming dalawa at paghatian na lang. Ginamit namin iyon para sa pag-uumpisa ng kanya kanya naming buhay. Nang mawala ang mga magulang namin ay hindi namin alam kung paano kami magsisimula. Sinandalan namin ang isat isa. Dahil wala naman kaming ibang maaasahan.

Ako ay pumunta ng amerika upang mag-aral at magtrabaho samantalang siya ay sa pinas nag-aral at nakilala nga niya ang kanyang mabait na asawa.

Jacob Alvarez ang pangalan ng asawa ng ate ko. Hindi ko pa ito nakikita dahil ng mag-asawa siya ay hindi naman ako umuwi nung nagpakasal ito.

Busy ako noon sa pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi ko kasi pwedeng ubusin ang perang minana ko dahil gusto kong magtayo ng maliit na negosyo at natupad ko iyon ng maka graduate ako.

Alam kong malaki ang tampo niya sa akin pero wala akong magawa dahil naipit ako sa sitwasyon na kailangan ko din magpursige para sa sarili kong buhay. Lalo na at may umaasa sa akin. Nagkakausap naman kami at video call yon nga lang ay madalang lang dahil iba din ang oras ko sa kanila.

Mabait at mayaman ang napangasawa niya kaya alam kong mabibigyan nito ng masaya at maayos na buhay ang kapatid ko at panatag ako doon. Kahit na hindi ko pa ito nakikita. Madalas nga din nitong ikwento sa akin ang kanyang asawa at base sa ngiti ni ate at kilig ay alam kong masaya siya sa buhay niya.

Ngunit talaga palang hindi lahat ay puro saya. At alam kong wala talagang permanente sa mundo.

Ate Selene diagnosed with breast cancer. At stage three na ito ng malaman nila. Sinubukan naman ng asawa niya na ipagamot siya, yon nga lang ay hindi na kinaya ng katawan niya dahil kumalat na ang cancer sa buo niyang katawan.

Masakit para sa aming mga maiiwan pero wala kaming magawa. Kung sa akin masakit na ano pa kaya ang nararamdaman ng asawa niya kung sakali, lalo pat alam ko kung gaano nito kamahal ang ate ko.

Isang beses ko itong nakausap sa telephone noon upang pakiusapan ako na umuwi para sa kapatid ko. Sadyang hindi lang naaayon sa akin ang mga araw at panahon, dahil kakaumpisa pa lang ng business namin ng business partner ko na si Chad.

Mayroon kasi kaming itinayong coffee shop, at sa mga lumipas na taon ay nadagdagan pa ito ng dalawang branch sa ibat ibang lugar sa amerika.

Ayaw ko man iwanan ang trabaho ko ay hindi pwede dahil kailangan ako ng kapatid ko ngayon. At ayokong pagsisihan sa huli na hindi ko man lang siya nakita at naalagaan bago siya mawala.

Handa na kami sa mga maaaring mangyari dahil nung huli ko siyang makausap ay sinabi niyang tatlong buwan na lamang ang ibinigay na taning sa kanya ng doktor.

Last Wish Where stories live. Discover now