Chapter 13

552 29 0
                                    

Selena POV

Kinabukasan ay nagising din si ate. Sobrang pasalamat kaming lahat dahil nagising siya at makaka-usap pa namin siya. Hindi pa niya kami tuluyang iniwan. Kaya nabuhayan kami ng loob.

Ngunit ang saya namin ay naputol ng sabihin sa amin ng doktor na anytime ay maaari na kaming iwanan ni ate. Kahit hindi ko matanggap ay wala naman ako magagawa. Kung ito ang gustong mangyari ng panginoon ay maluwag ko itong tatanggapin.

Simula ng ma-ospital si ate ay hindi na namin siya iniwan pa. Lalo na ng sabihin ng doktor na kahit anong oras ay maaari niya kaming iwan. Kaya minabuti namin na bantayan siya.

Kahit si Jacob ay hindi na muna pumapasok sa trabaho. Yung dalawang kaibigan niya na nakita ko noon sa coffee shop ang nag-aasikaso ng mga naiwan niyang trabaho. Mababait ang mga ito at napag-alaman kong mga kaibigan na niya ang ang dalawa simula pa lang noong high school sila. Sila Miguel at Lucas.

Maya't maya din ang pasyal ng doktor kay ate. Nagpanic pa kami kanina dahil nahirapang huminga si ate kaya ibinalik ang oxygen tube niya.

"Sigurado ka bang okay ka lang Lena? You look exhausted?" Saad ni Chad sa kabilang linya.

Kausap ko siya ngayon habang nasa garden ako ng ospital. Tinawagan ko siya upang kumustahin sila ni Justin.

Ilang buwan na rin akong hindi nakakabalik kaya namimiss ko na ang anak ko. Iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Jacob kong malalaman niyang nagkaanak kami?

Tatanggapin kaya niya si Justin? O ipagkakaila nya lang. Sa totoo lang natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo, dahil baka hindi niya tanggapin ang anak ko. Ayokong masaktan si Justin. Dahil kapag nasaktan ito ay tiyak na doble ang sakit nito sa akin. Lalo na at sabik itong makilala ang tunay nitong ama. Mahal na mahal ko ang anak ko at siya na lang ang dahilan ko kung bakit ako nabubuhay. Kapag nawala pa siya sa akin ay baka hindi ko na kayanin pa.

"To be honest... I'm not okay Chad. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba na mawala ang kapatid ko. Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko. Pero sa twing iisipin ko na mawawala siya ay nasasaktan ako." Umiiyak kong ani sa kanya.

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Babe, hindi naman talaga madaling tanggapin ang lahat. Hwag mong biglain ang sarili mo. Unti unting darating sayo iyon. Basta parati mong tatandaan na nandito lang kami ng anak mo." Umiiyak akong tumango sa kanya. Mabuti na lamang at nandyan sila para sa akin. Sila na lamang ang hinuhugutan ko ng lakas.

"Ikaw na muna ang bahala kay Justin. Baka matagalan pa ako dito. Ipaliwanag mo sa kanya ang lahat. Tawagan nyo ako kung may mangyari okay."

"Yeah! Ikaw alagaan mo ang sarili mo. Isipin mo na may anak kang naghihintay sayo kaya hindi kaya pwedeng magkasakit."

"I know Chad. Thank you babe!"

"Take care okay."

"You too. I'll hung up now. Baka hinahanap na ako."

"Okay! Bye babe."

"Bye Chad."

Matapos kung makipag-usap sa kanya ay nagpasya na akong pumunta sa kwarto ni ate. Ngunit nakita kong nagkakagulo ang mga doktor at nurse sa harapan ng kwarto ni ate kaya kinabahan ako at tumakbo palapit doon.

Nakita ko si Jacob na nasa labas ng kwarto ni ate at umiiyak na ito.

Simula ng gabing iyon ay ramdam ko ang pagbabago kay Jacob. Halos hindi na ako nito kinakausap. Ni kahit sulyapan ay hindi niya ginagawa. Masakit para sa akin ang nangyayari sa amin, ngunit wala akong magawa. Alam kong maraming naglalaro sa isipan niya ngayon. Magulo ang utak nito dahil sa nangyayari. At aminin ko man o hindi ay alam kong nagi-guilty ito dahil sa nararamdaman nito sa akin. Kaya hindi ko maiwasang masaktan. Alam kong nagsisisi siya.

Last Wish Onde histórias criam vida. Descubra agora