Epilogue

974 41 11
                                    

After three years

Selena POV

"Mom, nandyan na po yung school bus. Aalis na po ako." Ani ni Justin saka ito humalik sa pisngi ko at niyakap ako.

"Okay, baby. Ingat ka."

"I will." Nakangiti niyang sagot. habang inaabot ko sa kanya ang baon niyang sandwich na paborito niyang ginagawa ko.

"Enjoy your day, baby."

"Thanks mom!" Ngumiti siya saka kumindat sa akin habang inaayos niya ang mga gamit niya. Saka siya naglakad papalapit sa pinto.

"I love you, baby!" Pahabol kong sigaw sa kanya nang makalabas na siya sa pinto. Ngunit muli siyang sumilip saka ngumiti.

"I love you too, mom!" Balik niyang sigaw. Bago siya tuluyang lumabas at naglakad palabas ng gate.

Hindi ako makapaniwalang may binata na ako. Habang lumalaki si Justin ay lalo itong nagiging kamukha ng daddy niya.

Napangiti ako nang makita ang larawan namin ni Jacob na nakasabit sa dingding ng salas ng bahay.

Tatlong taon na ang nakalilipas matapos ang naging kasal namin ni Jacob. Matapos niyang mag propose ay ikinasal kami agad makalipas ng dalawang buwan.

Mabilisan man ngunit masaya pa rin ang kinalabasan ng kasal namin. Tanging pamilya at malalapit kaibigan lamang ang dumalo sa kasal naming dalawa. Intimate wedding kasi ang gusto ko kaya pili ang bisita.

"Mom!"

Nagulat ako at napatingin sa likuran ko nang tawagin ako ni Charm.

Nakapamaywang itong nakatingin sa akin habang nakataas ang kilay.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah! At kanina ka pa rin nakatitig sa picture ni daddy. Duh...! Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha ng asawa mo?" Anito kaya napahagalpak ako sa pagtawa.

Napailing ako dahil sa maarte niyang pagsasalita. Hindi ko alam kung kanino ba ito nagmana o sadyang ganyan lang talaga ang mga kabataan ngayon.

Nine years old na siya at dahil matangkad siya ay nagmukha ng dalaga ang katawan nito. Para na siyang fifteen, lalo na kung kumilos.

"I'm just appreciating your dad's handsome face." Sagot ko sa kanya.

Kita ko pa ang pag-ikot ng mata niya habang inaayos ko lunch bag niya.

"Yeah right. Ang pangit kaya non. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan mo yon." Aniya.

Tumatawa akong lumapit sa kanya saka ko kinurot ang pisngi niya.

"Pangit? Eh kamukha nyo ng kuya mo ang daddy nyo."

"Iieewww..! Hindi ko siya kamukha, noh! Baka si kuya oo. Pero ako? Never! Over my dead and beautiful body."

Muli akong natawa at napailing dahil sa isinagot niya sa akin.

"Eh sino bang kamukha mo?" Tanong ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niyang mahaba.

"Kayo ni mommy Selene. At wala ng iba."

Ngumiti siya kaya lumabas ang dalawa niyang dimple sa pisngi tulad sa akin. Ewan ko ba kung bakit si Charm lang ang nakamana ng dimple ko. Kung sino pa ang hindi ko talaga anak.

Habang lumalaki si Charm ay hindi ko nakakalimutang ikwento sa kanya ang tungkol sa totoo niyang ina. Hindi ko rin inaalis sa kwarto niya ang picture niya kasama ang daddy at mommy niya kahit ipinapatanggal niya ito.

Tinanong ko siya kung bakit ipinapatanggal niya. Sabi niya ayaw daw niya na masaktan ako at bilang respeto na lang daw niya sa akin.

Natuwa ako dahil iniisip pala niya ang mararamdaman ko at sobrang saya ko dahil alam kong nagagabayan ko siya ng tama tulad ng ipinangako ko kay ate Selene.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon