Chapter 12

571 28 1
                                    

Selena POV

Nang makarating kami ng ospital ay agad akong lumabas ng sasakyan at tumakbo papasok ng ospital kung nasaan ang kapatid ko.

Hinanap ko ito sa emergency room ngunit sinabi nilang iniakyat na ito sa second floor. Nasa ICU na daw ito dahil critical ang condition nito.

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko ng sabihin nila na nasa critical stage ito. Alam ko na nakasunod ni Adrian sa akin. Inaalalayan niya ako habang papunta kami sa room ni ate.

Nang makarating kami ay agad kong nakita si Jacob na nakaupo sa waiting area sa labas ng ICU room.

Gulong gulo ang buhok nito at halatang matutulog na sana dahil naka sando lang ito at sweat pants. Naka tulala lang ito at halata ang namumula nitong mata. Mukha itong wala sa sarili.

Lumapit ako sa kanya. Hindi niya namamalayan na nasa tabi na niya ako. Nakatingala lamang ito habang nakatingin sa kisame. Mukhang malalim ang inisip nito.

"Si-si ate?"

Agad itong napatingin at tumayo nang makita niya ako. Yumakap ito sa akin ng mahigpit. Nang humiwalay ito ng yakap ay natuon ang tingin nito sa aking likuran. Dumilim bigla ang mukha nito. Siguro ay nakita niya si Adrian na ito ang kasama ko.

Alam kong nagseselos ito kay Adrian ngunit hindi ko iyon pinansin. Wala akong panahon para isipin ang selos niya dahil mas importante sa akin ang kapatid ko. Sa mga oras na iyon ay gusto kong lang makita ang kapatid ko, malaman kung ano ang kalagayan nito. Hindi ko na lamang pinansin ang pagdidilim ng mukha niya at ang matalim na tingin na ibinigay niya kay Adrian. Kahit si Adrian ay hindi na lamang nito pinansin, siguro ay para makaiwas sa gulo.

"Ja-Jacob si ate. Gusto ko siyang makita." Umiiyak kong sabi sa kanya.

Sinamahan niya akong makapasok sa loob ng ICU room. Dahil hanggang dalawang tao lamang ang pwedeng makapasok ay naiwan si Adrian sa labas ng kwarto.

Pinagsuot kami ng medical patient gown at face mask. Nang makapasok ako sa loob ay bumungad sa akin ang namumutlang mukha ni ate Selene. Ang daming tubo na nakakabit sa katawan niya. May mga kung ano anong aparato rin ang nasa tabi niya.

Agad na nag-unahan ang luha ko sa pagpatak. Hinawakan ko ang kamay niya. Wala itong malay at halata ang panghihina ng katawan nito.

"A-Ate, please hwag mo akong iwanan. Ikaw na lang ang pamilya ko. Ikaw na lang ang mayroon ako. Ate hwag kang susuko please. Please ate." Humahagulgol kong iyak habang hawak hawak ko ang kamay niya.

Halata na sa katawan nito ang hirap na pinagdadaanan nito. Hindi ko lubos maisip na darating sa punto na makikita ko ang kakambal ko na ganito. Na nahihirapan dahil sa sakit.

Niyakap ako ni Jacob na nasa aking likuran habang umiiyak din siya.

"Ang daya mo eh. May kasalanan ka pa sa amin. Sisingilin ka pa namin eh. Please ate..... Pangako ate hindi na ako magagalit sayo kahit na ano pang ginawa mo. Hwag mo lang akong iwan."

Umiiyak na ibinaon ni Jacob ang mukha niya sa aking leeg. Hinawakan ko ang kamay niya habang nakayakap siya sa akin.

Naisip kong mabuhay lang si ate, maluwag kong tatanggapin na hindi para sa akin si Jacob. Mabuhay lang siya ng matagal, ipapaubaya ko sa kanya ang kaisa isang lalaki na minahal ko.

Ilang minuto kaming umiiyak habang nakatingin sa nanghihina kong kapatid.

Hanggang maglakas loob akong tanungin siya tungkol sa kalagayan ng kapatid ko. "A-Anong sabi ng doctor?"

Bahagya siyang lumayo at pinunasan ang luha sa mata. Lihim pa akong napangiti ng ilapat niya ang kamay sa aking pisngi upang punasan din iyon. Alam kong mahal niya ako at hindi ko maiwasan matuwa sa kabila ng hirap ng sitwasyon na pinagdadaanan namin ngayon. Siguro ay kaya nananatili akong matatag dahil sa anak namin at dahil sa kanya.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon