Chapter 4

573 29 3
                                    

Jacob POV

"Paano kung hindi pala si Selene iyon at napagkamalan mo lang si Selene." tanong ni Hugo kaya napatingin ako sa kanya at natigilan ako.

Hindi maaari, hindi magsisinungaling sa akin si Selene. Pero paano nga kung hindi siya iyon. Paano kung si Lena iyon? Pero tinanong ko si Selene noon. At sinabi niya sa akin na siya yong kasama ko nong gabi na may nangyari sa amin. Hindi ako lolokohin ni Selene. Ano ang mapapala niya kung lolokohin niya ako.

Fuck dahil sa tanong ng bwisit na ito lalo ata akong mababaliw.

"So paano, maiwan na kita dyan dahil marami pa akong gagawin. Uminom ka lang dyan sagot ko na." Nakangisi nitong saad.

Tingnan mo itong hayop na ito, matapos akong lalong palituhin ay saka ako iiwan na parang tanga.

Tiningnan ko siya ng masama at tumatawa lang itong umalis sa harapan ko.

Parang lalo ata akong mababaliw dahil sa sinabi niya.

Kung si Lena ang babaeng iyon bakit hindi niya sinabi. At saka sabi ni Selene seven years ng hindi umuuwi sa pinas ang kapatid niya, at seven years ago din ng mangyari iyon. So ibig sabihin si Selene talaga ang babaeng iyon. Tinanong ko si Selene noon at sabi niya ay narito din siya sa bar noon. Fuck mababaliw na ata ako.

Bakit ba kasi hindi ko siya hinnap agad. Lumipas kasi ang ilang buwan bago ako nagpasya na hanapin ang babaeng nakasama ko nung gabing iyon dahil may emergency na nangyari at kailangan kong lumipad papunta ng America. Kaya hindi ko siya nahanap agad.

Shit ano ba itong pinag-iisip ko. Alam kong hindi ako lolokohin ng asawa ko. Alam kong hindi ko dapat pinag-iisipan siya ng ganon. Naging mabuti at mapagmahal na asawa si Selene at wala akong pinagsisisihan na naging asawa ko siya dahil binigyan niya ako ng napaka gandang regalo at iyon ay si Charm.

Sa mga lumipas na araw ay hindi pa rin maalis sa akin ang sinabi ni Hugo. Naging palaisipan ito sa akin.

Mas napapansin kong lalong umiiwas si Lena sa akin. Halos hindi ko na siya nakikita sa loob ng bahay, dahil sa tuwing darating ako ay nasa kwarto na niya ito.

At hindi ko maintindihan ang sarili ko, dahil naiinis ako dahil doon. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang kausapin pero ano naman ang sasabihin ko?

May isang linggo na akong hindi nakakauwi ng maaga dahil sa dami ng trabaho.

Noong mga nakaraan ay halos gabi na ako nakakauwi. Ngayon ay medyo maaga kaysa noong nakaraan at alam kong makikita ko siya.

Nang makapasok ako sa bahay ay tahimik at mukhang nasa kanilang kwarto na ang lahat.

Wala si manang Sally dahil nagpaalam ito na uuwi ng probinsya nila.

Si Agnes naman ay tumawag sa akin na hindi makakapasok dahil may sakit ang anak nito.

Umakyat ako sa ikalawang palapag upang tingnan si Selene. Tulog na ito kaya hindi na ako lumapit pa dahil hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan.

Sinabihan kasi kami ng doctor na hindi pwede basta basta lumapit kay Selene lalo na kapag galing sa labas dahil mahina na ang resistensya nito at baka makakuha ng ibat ibang sakit na maaari naming madala sa kanya.

Sumunod ay pumunta ako sa kwarto ni Charm. Pinihit ko ng dahan dahan ang seradura ng pintuan.

Nakita kong nakaupo siya sa couch kasama si Lena. Nakaunan ito sa kanyang lap habang sinusuklay ng daliri ang buhok ni Charm.

Napangiti ako sa aking nakita. Mukhang hindi nila namamalayan na pinagmamasdan ko sila.

Abala sila sa panonood ng disney movie na Cinderella. Naagaw ang atensyon ko ng magtanong si Charm.

Last Wish Onde histórias criam vida. Descubra agora