Chapter 11

559 29 3
                                    

Selena POV

"What?! Nagawa niya yon?" Gulat na tanong ni Chad sa akin. Ka-video call namin siya ni Adrian ngayon. Matapos naming kumain ng hapunan ay nagkayayaan kaming uminom ng beer habang kausap ito.

Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari at lahat ng nalaman ko. Pakiramdam ko kasi sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Kung hindi ko ito mailalabas. Baka tuluyan na akong mabaliw.

Wala akong ibang mapagsabihan nito. Sila lang, lalo na si Chad lang ang alam kong mapagsasabihan ko na hinid ako huhusgahan. Siya lang ang tanging naririyan para pagaanin parati ang loob ko.

"Akala ko si Cinderella lang ang may wicked evil sister. Pati pala ikaw meron." Inis na ani ni Chad.

Hindi umimik si Adrian patuloy lamang ito sa pag-inom ng beer. Kahit ako ay umiiyak lamang habang nagra-rant ito ng saloobin niya. Kung makapag emote ang baklitang ito akala mo siya ang na argabyado.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko Chad." Ani ko. Pinunasan ko ang luha sa mukha ko.

"Ano pa nga bang magagawa mo? Babe, mag-asawa na sila. Kahit baliktarin mo ang mundo hindi ikaw ang pinakasalan niya. At ang masakit na katotohanan ay inanakan ka lang niya." Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita. "Hindi talaga ako makapaniwala na may kasamaang taglay yang kambal mo."

"Hey! Hindi masama si Selene. Nagmahal lang siya." Pagtatanggol ni Adrian sa kambal ko. Napatingin ako sa kanya.

"Wow! Ipinagtatanggol ni ex. Ikaw nga Adrian tigilan mo ako. Hwag mong kunsintihin ang ginawa ng babaeng yon porket mahal mo pa rin."

"Shut up Chad!" Tinalikuran niya kami dahil siguro sa inis kay Chad. Ito naman kasing baklitang ito walang preno ang bibig.

Napatingin ako kay Adrian. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang kambal ko. Ibig sabihin matagal na siyang nasasaktan. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya. Dahil kung tutuusin halos pareho lang kami ng pinagdadaan ni Adrian. Nagmahal kami ng pagmamay ari na ng iba.

"Bakit totoo naman na mahal mo pa yang ex mo. Hindi ba nagpakalango ka sa alak at nagwala ka nong ikinasal si Selene."

Muli akong napatingin kay Adrian ng sabihin ni Chad iyon. Tumingin ito sa akin at ngumiwi. Kaya pala may lungkot sa mata niya nong tanungin ko siya kung may asawa na ba siya.

Humarap ito sa screen ng ipad upang kausapin si Chad. "Bakit napunta sa akin ang topic? Pwede ba, hindi ako ang issue dito yang best friend mo."

"Ayan, dyan kayo magaling. Ang tumakas sa isyu. Tulad ng pagtakas mo noon. Matapos ang kasal ni Selene. Bakit kayo ganyan? Bakit ang hilig hilig nyong takasan ang problema?"

Humarap sa akin si Adrian at itinuro si Chad. "Kausapin mo na nga yan. Kung ano ano ang pinag sasabi."

Natawa kami ni Chad dahil sa inis ni Adrian. Umalis ito sa sala ng bahay kung saan kami umiinom ng beer.

"Ayan, umalis tuloy. Kung ano ano kasi ang sinasabi mo. Syempre nasasaktan yung tao."

Umiling ito at ngumisi. "Hayaan mo siya. Para magising sa katotohanan na hindi na mapapasa kanya si Selene. Bukod sa may asawa na ito ay may sakit pa. Kaya kailangan na niyang mag move on. It's been ten years. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap na wala na si Selene sa kanya."

"Chad, hindi madaling mag move on. Hindi mo pwedeng utusan ang puso mo na kalimutan ang isang tao lalo na kung mahal mo ito." Sagot ko sa kanya. Naiintindihan ko ang point niya at ang gusto niyang sabihin. Pero hindi madali ang gusto niyang mangyari, hindi madali ang lumimot.

Last Wish Where stories live. Discover now