Chapter 24

714 33 0
                                    

Selena POV

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng aking silid. Agad akong napahawak sa aking ulo nang maramdaman ang pagsakit nito.

"Shit..! Hindi na talaga ako iinom."

Bumangon ako at umupo sa kama saka inihilamos sa mukha ang mga palad patungo sa aking ulo.

Mapait akong napangiti at napahinto nang maalala ang dahilan kung bakit ba ako uminom kagabi. Parang may matalim na kutsilyo ang tumarak sa dibdib ko sa tuwing maiisip ko na mawawala na sa piling ko ang mga anak ko.

Pero wala akong choice. Gusto ko man silang ilaban ngunit ayaw ko silang ma-trauma at masaktan nang dahil sa amin ng ama nila. Mas hindi ko kakayanin na makita silang magdusa. Kaya mas pinili kong ako na lang. Ayokong mahirapan sila, dahil mahal na mahal ko ang mga anak ko.

Muli akong natigilan nang maalala ko ang naging panaginip ko kagabi. Mapait muli akong napangiti dahil sa panaginip na iyon. Napailing pa ako dahil napaka imposibleng mangyari non.

Napanaginipan ko lang naman na kasama ko at katabi kong matulog si Jacob kagabi.

Yeah right... That's impossible. He's mad. Bakit naman ako puuntahan non. Eh galit na galit sa akin yon.

Napabuntong hininga muli ako at ipinikit ang mata nang magsimula itong magtubig. Pagdating talaga sa kanila nagiging iyakin at mahina ako. Aminado kasi ako na sila ang lakas ko.

Nang mapatingin ako sa orasan na nasa side table ay nanlaki ang aking mga mata nang makitang halos magtatanghalian na.

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala na magluluto ako ng tanghalian namin dahil huling beses na silang kakain kasama ko dito sa bahay dahil kukunin na sila ng ama nila.

Nangako pa naman ako sa kanila na magluluto ako ng masarap na lunch para sa kanila.

Mabilis kong isinuot ang silk bathrobe dahil naka lingerie sleepwear lang ako. Agad akong pumasok sa banyo upang mag-toothbrush at maghilamos. Mamaya na lamang ako maliligo dahil tiyak kong hindi pa kumakain ang mga anak ko.

Bakit ba naman kasi naisipan ko pang uminom. Tinanghali tuloy ako ng gising.

Ang nakapagtataka lang ay hindi man lang ako ginising ni Justin at Jewel. Tuwing umaga kasi ay ang mga ito ang nag-aabalang gumising sa akin.

Nang makapaghilamos ako at makapag sipilyo ay agad akong lumabas sa kwarto at bumaba ng hagdan.

Kumunot ang aking noo nang makitang tahimik ang buong bahay. Wala ang mga anak ko at maging ang yaya nila sa salas ng bahay kung saan madalas maglaro ang mga ito habang hinihintay nila ako.

Nang makababa ako ng hagdan ay nakarinig ako ng kaluskos at tunog na parang may nagluluto sa kusina. Sa pag-aakala ko na sila ang nasa kusina ay agad akong naglakad papasok ng kusina.

Ngunit agad akong napahinto nang makilala ko ang lalaking nakatalikod mula sa aking pwesto habang nakasuot ito ng sweat pants at walang damit pang itaas.

Agad na nagrigudon at nagwala ang aking puso dahil dito. Kilalang kilala talaga siya ng puso ko.

Parang gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yumakap sa matipuno at mainit nitong katawan. Ngunit hindi ko magawa dahil parang napako na ako sa kinatatayuan ko. Halos ayaw gumalaw ng mga paa ko at nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.

Ilang beses pa akong napalunok tuwing kusang magpe-flex ang mga muscle niya sa braso at likod. Lumalabas kasi ang mga nagagalit nitong ugat sa braso na siyang nakapagpadagdag sa kakisigan nito.

My god Selena. Ang laway mo girl paki punasan.

Nagulat ako ng bigla itong tumigil sa ginagawa niya at biglang humarap sa akin. Siguro ay naramdaman nito na may nakamasid sa kanya mula sa likuran.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon