Chapter 23

660 31 3
                                    

Jacob POV

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Bukas na ang araw na napagkasunduan namin ni Lena na kukunin ko ang mga bata.

Bago pa man ako nagdesisyon na kuhanin sila ay bumili na ako ng bahay na maaari naming tirahan kasama si Charm.

Nagtrabaho ako ng mabuti at tumanggap ako ng maraming projects para kumita at makapag-ipon para sa mga anak ko. Wala akong pinapalampas na mga projects. Maliit man yan o malaki. Mas marami mas maganda dahil mas mabibigyan ko sila ng magandang kinabukasan.

Ilang araw akong naging abala sa pag-aasikaso ng bahay. Nang mga kawarto na tutuluyan nila. Kailangan maging komportable at maayos ang kalagayan ng mga anak ko para maging panatag sila na makasama ako.

Habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa magiging kwarto ni Justin ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Agad akong napangiti nang makitang si Almira ang tumatawag sa akin. Ilang linggo din itong naging abala kaya ngayon ko lamang ito makakausap.

Hindi rin nito alam na may mga anak kami ni Lena at ako na ang magiging legal guardian nila.

"Hello, miss beautiful." Sagot ko sa kanya.

Agad itong tumawa saka ito sumagot. "Hello to you too Mr. Handsome. Anong meron at mukhang good mood ngayon ang abnormal kong kaibigan?" Tumatawa nitong ani.

Agad akong sumimangot at inis na umungol dahil sa sinabi niya. Humagalpak naman ito sa pagtawa dahil sa naging reaksyon ko.

"Totoo naman, abnormal ka. Nagtataka nga ako kung bakit minahal ka ng kambal, samantalang wala naman kamahal mahal sayo." Pagpapatuloy na pang-aaras nito sa akin.

"Ah ganon. Tumawag ka lang para mang-asar ganon ba? Babaan kaya kita." Inis kong sagot sa kanya.

Napangiti ako ng lalo itong humagikhik at pilit na sinagot ang sinabi ko.

"Sorry na. Na miss ko lang na pagtripan ka."

"At talagang ako. Wala ka bang ibang kaibigan na pwede mong pagtripan?" Nakangisi kong ani sa kanya.

Dinig ko pa rin ang mahina niyang pagtawa kaya napailing ako.

"Kailan ang balik mo?" Tanong ko sa kanya.

"Next month pa. Bakit namimiss mo na ako, noh?"

Napangiti ako at napailing dahil sa pagiging mapagbiro niya. Siguro kung hindi ako inlove at patay na patay kay Lena malamang ay nahulog na ako kay Almira.

Mabait at maaasahan si Almira. Tunay na kaibigan at siguradong hindi ka niya iiwan sa kahit anong laban lalo na kung alam niya na kailangan mo ng karamay.

"Good, ipapakilala ko sayo si Jewel at si Justin. Mga anak namin ni Lena." Masayang ani ko sa kanya.

"Oh my god..! M-May anak kayo ni Lena?" Gulat niyang tanong sa akin. Inaasahan ko na ang magiging reaksyon niya dahil kahit ako ay hindi makapaniwala na nagsinungaling si Lena sa akin.

Dahil sa gulat at tanong niya ay ikinwento ko sa kanya ang lahat. Maging ang pagkuha ko ng petition para sa custody ng mga bata ay sinabi ko sa kanya. Nakinig lamang siya at nang matapos akong magkwento ay bigla siyang nagsalita.

"Ano paghihiwalayin mo ang mag-iina? Gago ka ba?" Gulat ulit niyang tanong.

"Gusto ko silang makasama at saka pumayag naman si Lena." Sagot ko sa kanya.

Last Wish Where stories live. Discover now