Chapter 15

556 29 2
                                    

Jacob POV

Napahilot ako ng aking sintido dahil sa sakit ng aking ulo. Ilang linggo na akong pagod dahil sa problemang nangyari sa opisina.

Aminado akong napabayaan ko ito ng mamatay si Selene kaya ngayon ay pilit kong inaayos ang malaking problemang kinakaharap ng kompanya ngayon.

May nangyaring aksidente sa site dahil sa gumuhong parte ng isang building na itinatayo namin. At may namatay na trabahador kaya kailangan kong ayusin bago ito lumala. Sa tulong ng mga kaibigan ko ay unti unting nareresolba ang problema.

Halos dalawang buwan na akong hindi umuuwi upang makita si Charm at si Lena. Aminin kong namimiss ko na sila lalo na si Lena.

Nang mamatay si Selene sinisi ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi naging miserable ang buhay nito dahil sa akin. Ni hindi ko man lang naiparamdam dito ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman mula sa akin. At sobra akong nagi-guilty dahil doon. Dahil kahit siya ang kasama ko ay alam kong ibang tao ang hinahanap ng puso ko.

Kahit kay Lena ay nahiya akong humarap. Natatakot ako na baka sisihin niya ako kung bakit nangyari iyon sa kapatid niya. Natatakot ako baka pati si Lena ay mawala sa akin kaya hindi ako humarap sa kanya noong mamatay ang kapatid niya.

Gustong gusto kong umuwi. Lalo na kapag tumatawag siya at nag-iiwan ng mensahe sa sekretarya ko. Gusto ko siyang makita, yakapin at halikan. Iyon nga lang ay pinangungunahan ako ng takot.

Takot na baka galit siya at iwanan din ako. Sumabay pa ang problema sa kompanya. Kaya hindi na talaga ako nakakauwi at sa opisina na lamang ako natutulog.

Ni hindi ko rin magawang tawagan siya, dahil gusto ko ay sa personal kami mag-usap. Sana lang ay matanggap niya ako. Sana lang ay mapatawad niya ako sa nangyari sa kapatid niya.

Kahit kay Charm ay nahihiya ako. Dahil hindi ko man lang naalagaan ang mommy niya. Kaya sobra akong nagsisisi. Natatandaan ko pa ang sinabi ni Selene bago ito mamaalam sa amin.

"Hon, mahal na mahal kita. Patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko. Alam kong ginawa mo ang lahat upang maging masaya ang pamilyang binuo natin kaya nagpapasalamat ako sayo. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa mga nangyayari. Ito ang kagustuhan ng diyos na mangyari kaya hindi mo ito kasalanan. Ikaw na ang bahala kay Charm at kay Lena. Gusto kong maging masaya ka sa piling ni Lena. At kapag nangyari yon ay magiging masaya rin ako kahit nasaan ako. Jacob ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko, kaya patawarin mo ako kung hindi ako nagsisisi na nagkakilala tayo. Na minahal kita ng sobra. Pakiusap Jacob maging masaya ka at magiging masaya na rin ako."

Lahat ng sinabi niya ng gabing iyon ay umukit at tumatak sa puso ko. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin na hindi ko man lang pinahalagahan kaya labis ang pagsisisi ko. Kahit pinilit kong mahalin siya ay hindi ko pa rin naturaan ang puso ko na mahalin siya.

Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa pagod. Sa wakas ay makakauwi na rin ako.

Makikita ko na si Charm lalo na si Lena. Kakausapin ko siya. At sasabihin ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. Kung gaano ko siya kamahal.

Susundin ko ang itinitibok ng puso ko. Bubuo ako ng bagong pamilya kasama si Charm at si Lena.

At alam kong magiging masaya si Selene para sa amin. Gagawin ko kung ano ang magpapasaya sa amin.

Sana lang ay tanggapin ako ni Lena. Sana ay pumayag siya na bumuo kami ng pamilya.

Pagkatapos kong ayusin ang lahat ng gamit ko ay agad akong lumabas ng aking opisina.

Papaalis na sana ako nang tawagin ako ng aking sekretarya. Kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Sir, tumawag po kanina si Charm umiiyak po."

Last Wish Where stories live. Discover now