Chapter 14

627 33 7
                                    

Selena POV

Dalawang araw ang naging burol ni ate Selene. Matapos ang gabing pamamaalam nito sa amin ay tuluyan na niya kaming iniwan.

Nang gabing iyon, kitang kitang ko ang sakit na bumalatay sa mukha ni Jacob. Nakita ko kung gaano siya nasaktan sa pagkawala ng asawa nito. Kahit ako man ay nasasaktan dahil sa pagkawala ng kaisa isa kong kapatid.

Ngunit triple ang sakit sa akin. Nasasaktan ako dahil sa pagkawala ang kapatid ko, nasasaktan ako dahil nasasaktan si Jacob dahil sa pagka wala nito at nasasaktan ako dahil maging si Jacob ay mukhang nawala na rin sa akin.

Matapos ang ilibing si ate Selene ay isang beses lamang umuwi si Jacob sa bahay. Ako ang nag-alaga kay Charm. Naaawa ako sa bata dahil sa murang edad ay kailangan na niyang danasin ang lahat ng ito. Nawala na ang kanyang ina. At mukhang pati ang ama niya ay ganon din. Nawala sa tamang deriksyon si Jacob dahil sa pagkamatay ni ate Selene.

Naisip ko tuloy ang sinabi noon ni Jacob na mahal niya ako. Siguro noon ay ako ang mahal niya. Ngunit ngayon ay ang kapatid ko na ang laman ng puso niya at hindi na ako.

Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin. At hindi ako galit sa kanya. Dahil alam kong hindi niya ginusto ang sitwasyon namin. Hindi na rin kailangan pang malaman niya na may anak kami. Para sa ikatatahimik ng lahat.

Alam kong maguguluhan at mahihirapan siya lalo kung malalaman niya at kung ipipilit ko pa ang gusto ko. Kaya tama lamang na lumayo na ako para sa ikatatahimik ng lahat. Kahit masakit ay gagawin ko para sa ikabubuti ng lahat.

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan. At two months na rin Hindi umuuwi si Jacob. Araw araw ko siyang hinihintay. Ngunit walang dumarating. Gusto kong mag-usap kami ng tungkol sa amin. Hanggang sa napagod na akong maghintay. Napagod ako dahil lahat ginawa ko upang hanapin siya. Ngunit siya ang may ayaw magpakita. Sa tuwing tatawag ako sa opisina niya ay sinasabi ng sekretarya nito na abala ito at maraming trabaho.

Ramdam ko ang pag-iwas niya sa akin kaya hindi ko na ipinilit pa ang nais ko. Alam kong ako ang dahilan kaya ayaw niyang umuwi. At napapabayaan na niya ang anak niya dahil doon. Kung gusto niya na lumayo sa akin ay ako na lamang ang lalayo. Hindi naman niyan kailangan na hindi umuwi dahil lamang nandito ako. Kailangan siya ng anak niya. Kaya kahit masakit ay nagpasya akong lalayuan ko na siya, sila.

"Iha, hindi ka na ba talaga magpapagil?" Tanong ni Manang sa akin habang nasa kusina kami at naghahanda ng hapunan.

"Pasensya na manang, pero may sarili din po akong buhay na dapat kong ayusin." Magalang kong sagot sa kanya. Alam kong inaalala niya ang mag-ama kapag umalis ako. Ngunit tulad ng sinabi ko hindi ako maaaring habang buhay maghintay kay Jacob.

"Paano si Charm? Naaawa ako sa bata."

Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. "Kahit ako man po ay naaawa din. Kung pwede ko lang siya isama, isasama ko siya. Kaso may ama po siya na dapat mag-alaga sa kanya."

Malungkot itong tumango sa akin. "Kung hindi sana nagkasakit si Selene hindi mangyayari ito. Dalawang buwan nang hindi umuuwi Jacob. Kawawa ang bata."

Napayuko ako at humugot ng malalim na hininga. "Alam ko pong nangako ako sa kapatid ko. Pero siguro naman po maiintindihan ni ate Selene ang desisyon ko. After all may sarili din po akong buhay na dapat asikasuhin."

"Alam ko iyon iha. At alam kong ginawa mo naman ang lahat para maging maayos."

"Kayo na po ang bahala sa mag-ama. Tatawagan tawagan ko na lamang po si Charm."

Bukas na ng umaga ang flight ko. Ipinaliwag ko na din kay Charm kung bakit kailangan kong umalis. Mabuti na lamang at matalinong bata dahil naintindihan niya ako, na kailangan kong umalis.

Nang hapon na iyon ay ilang beses kong tinawagan si Jacob. Nag-iwan pa ako ng mensahe sa sekretarya nito na sabihin na umuwi muna siya dahil gusto siyang makita ng anak niya at gusto ko siyang makausap.

Ngunit magdamag akong naghintay at walang Jacob na dumating. Masakit iyon para sa akin. Dahil iyon sana ang huli naming pagkikita.

Kinabukasan ay maaga akong gumayak. Pinakain ko muna si Charm bago umalis. Nag lambing pa ito sa akin at nagpasubo. Masakit sa akin na iwanan siya. At mahal ko ang bata kahit hindi ko ito na tunay na anak.

"Ma-mama Lena." Umiiyak na ani Charm habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Halos ayaw niya akong bitawan. Kanina pa siya kinukuha ni Manang at ng yaya nito.

"I'm sorry Charm. Pero kailangan kong gawin ito. May naghihintay sa akin. At hindi ako pwedeng manatili dito." Naiiyak na ako pero pinipigilan ko. Hinaplos ko ang buhok niya habang pinapatahan siya.

"Ba-bakit lahat iiwan ako. I'm not a bad girl diba?... Si-si mommy iiwan din ako. Ta-tapos si daddy a-ayaw ako makita tapos ikaw iiwan mo rin a-ako." Utal at bulol nitong saad.

Ang luhang pinipigilan ko ay kusa nang tumulo ng marinig ko ang sinabi niya. Kahit si Manang at ang yaya nito ay hindi naitago ang pag-iyak. Sorry Charm. Sorry dahil nasasaktan ka ng ganito. Sorry ate Selene dahil hindi ko natupad ang kahilingan mo.

Niyakap ko ng mahigpit si Charm. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang sabihin para maintindihan niya. Humahagulgol lamang ako habang yakap ko siya.

Nang hindi ko na kaya ay tumingin at sumemyas na ako kay manang at yaya nito upang kuhanin na si Charm sa pagkakayakap sa akin. Hinalikan ko ng huling beses ang buong mukha nito bago inilayo sa pagkakayakap sa akin.

"Mama!.... Mama Lena!!!" Umiiyak na sigaw ni Charm habang yakap yakap ito ng yaya nito at ni manang.

"Charm! Tahan na apo." Pag-aalo ni Manang dito. Binuhat na ito ng yaya nito ngunit nagpupumiglas ito. Nagwawala si Charm.

"Mama!!!! Hwag mo akong iwan. Magiging good girl na ako. Mama please!!"

Humahagulgol akong tiningnan siya. Basang basa ng luha ang mukha niya. Nadudurog ang puso ko na makita siyang ganyan. Akala ko kasi kahit papaano maayos ko ang lahat. Umasa ako na mabubuo kami kasama si Justin. Pero nagkamali ako. Kaya gusto kong humingi ng tawad sa kanya at kay ate.

"S-Sorry Charm... Magpapakabait ka ah.. Tatawagan kita okay. Be good girl baby. Love ka ni mama."

"Mama!!!"

Muli kong sinulyapan ang bahay nila bago ako sumakay sa taxi na naghihintay sa akin sa labas ng gate. Hindi na ako nagpahatid sa kanila. Mas maigi na iyon upang wala akong ibang tao na maabala pa.

Humagulgol ako habang naka sakay sa loob ng taxi. Naitutop ko ang aking kamay sa aking bibig upang hindi umalpas ang aking pag-iyak. Nasapo ko pa ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay naninikip ito sa sakit.

Naiiyak ako sa twing sumasagi sa isip ko ang mukha ni Charm na umiiyak at ayaw bumitaw sa akin. Ang sakit sa dibdib na iwanan siya. Ngunit wala akong magawa. Kailangan din ako ng anak ko. At hindi ko pwedeng pabayaan si Justin. Ako lang ang mayroon ang anak ko kaya hindi ko siya pwedeng iwan.

Bumuntong hininga ako nang marinig ko na I-announce ang flight ko. Kaya nangilid na naman ang luha sa mga mata ko.

Huling beses ko pang sinulyapan ang entrance ng airport at umaasang darating siya upang pigilan ako.

Na darating siya upang sabihin na gusto niyang mabuo kami. Ngunit wala, kaya tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

Patawad ate. Patawad Charm at patawarin ko ako Justin. Dahil hindi ko maipakikilala sayo ang ama mo.

Goodbye Jacob.

Last Wish Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang