Chapter 9

580 32 2
                                    

Selena POV

Matapos niya akong basta nalang hilahin sa harapan ni Adrian at ng mga kasama niya ay naka sakay na kami ngayon sa sasakyan nito.

Hindi ito kumikibo o kahit magsalita man lang. Diretso lamang itong nakatingin sa harapan ng sasakyan at seryoso ang mukha habang nagmamaneho ito.

Ramdam ko ang bigat mg kanyang paghinga at kita ko ang namumuti niyang kamao dahil sa pagkakakuyom nito. Alam kong galit ito at Hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit nito.

Hindi ko rin alam kung saan ba niya ako dadalhin. Nang tingnan ko ang daan kung pauwi ba ito sa bahay ay hindi naman ito ang daan. Gusto kong magtanong kaya lang ay wala akong lakas ng loob dahil sa nakikita kong galit sa mukha nito.

Nagtaka ako ng pumasok ang sasakyan sa isang parking hotel. Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

"Mag-uusap tayo." Maotoridad niyang ani habang hindi pa rin ako binibigyan ng sulyap.

Tahimik lamang akong nakikiramdam sa kanya. Ayoko ng magsalita dahil baka lalong lumala ang galit niya. Na hindi ko alam kung ano ba talaga ang kinagagalit nito.

Nang makarating kami sa elevator paakyat sa kwarto ay tahimik pa rin ako. Bahala siya dyan mapanis ang laway niya.

Nauna siyang maglakad sa akin. Habang nakatingin lamang ako sa likod niya. Nakasunod ako sa kanya.

Nang huminto kami sa harap ng pinto at agad niya itong binuksan. Niluwagan niya ang pagkakabukas nito at tumingin siya sa akin. Hindi siya nagsasalita at base sa tingin niya ay parang sinasabi niya na pumasok ako.

Naiinis na ako sa kanya dahil kanina pa siyang umaga. Malamig ang pakikitungo niya sa akin ng umalis siya tapos ngayon hindi ko alam kung ano ba ang ikinagagalit niya. malapit na rin akong sumabog dahil sa inis.

Pumasok ako at ramdam kong naka sunod siya sa akin. Nang humarap ako sa kanya ay ipinatong niya ang susi sa side table ng couch at hinubad ang coat nito.

Tahimik itong umupo at sumandal sa couch habang nakapatong ang braso sa noo nito. Nakatingin lamang ako sa kanya. Akala ko ba mag-uusap kami.

Bahala siya kung ayaw niya akong kausapin. Inikot ko ang buong unit. Tiningnan ko ang loob ng kwarto nito, ang banyo at tanawin sa labas. Nang mainip ako ay bumalik ako sa sala ng unit at ganon pa rin ang pwesto niya. kita ko ang malalim niyang paghinga.

Sa inis ko ay lumapit ako sa kanya at nakapameywang akong humarap sa kanya.

"Akala ko ba mag-uusap tayo. Bakit nakahiga ka lang dyan? Kanina ka pang umaga. Akala mo hindi ko napapansin ang malamig mong pakikitungo sa akin? Hindi ko na lang pinansin yon kahit naiinis ako. Tapos ngayon ganyan. Bigla bigla ka lang manghihila at dadalhin mo ako dito tapos...."

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mabilis itong tumayo at siniil ako ng halik. Dahil sa pagkabigla ko ay nakayakap ako sa kanyang leeg. Kaya lalo niyang hinapit ang aking katawan palapit sa kanya upang malaya niya akong mahalikan. Dahil din sa nagsasalita ako kaya nakabuka ang aking bibig at malaya niyang naipasok ang kanyang dila.

"Ahhmmmp!" Impit na ungol ko sa pagitan ng aming mga halik. Kinagat kagat kasi niya ang aking ibabang labi.

Mabilis niyang inalis ng aking suot na pang itaas at muli niya akong hinalikan habang abala siya sa pagtanggal ng aking suot na bra.

"J-Jacob." Ungol ko ng bumaba sa leeg ko ang kanyang mga labi. Mariin niya itong hina halikan na para bang kanyang minamarkahan.

"Akin ka lang Lena. Naiintindihan mo? You and your body are mine." Mariin nitong saad habang buong pagnanasa itong nakatingin sa aking mukha.

Last Wish حيث تعيش القصص. اكتشف الآن