Chapter 22

670 31 3
                                    

Jacob POV

Tunog ng mga babasaging gamit ang maririnig mula sa opisina ng bar na pagmamay-ari ko.

Doon ko inilabas lahat ang sakit na idinulot ni Lena dahil sa ginawa nitong pagsisinungaling sa akin. Pakiramdam ko ay nagmukha akong tanga ng ilang taon.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit lalo na sa tuwing sasagi sa isip ko ang mukha ng mga anak ko.

Si Justin at Jewel. Ang mga batang nakilala ko sa parking lot. Ang mga batang walang nakilalang ama habang lumalaki. Mas dumoble ang sakit para sa akin dahil nakita at nakausap ko na sila pero hindi ko man lang alam.

Kaya siguro umpisa pa lang ay magaan na ang loob ko sa kanila dahil siguro sa lukso iyon ng dugo. Kaya siguro gusto ko silang makita dahil kahit hindi ko sila kilala ay kilala sila ng puso ko. Dahil sa akin sila nanggaling.

Parang hinihiwa ang puso ko kapag naaalala ko ang pag-iyak ni Justin. Ang pagtatanong niya sa akin na kung tatanggapin kaya sila ng kanilang ama.

Hindi ko maintidnihan kung bakit nagawa akong lokohin ni Lena. Minahal ko siya. Kulang na lang ay halikan ko ang nilalakaran niya dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

"What's happening here?" Tanong ng dalawang taong kakapasok lang sa loob ng opisina ng bar.

Napatingin ako sa pinto kung saan galing ang mga boses. Gulat at nanlalaking mata nila Henson at Migz ang nakita ko.

"Fuck! Anong nangyari dito? Pinasok ba kayo ng bagyo?" Tanong ni Migz saka ito pumasok sa loob at dinampot ang mga nagkalat ng bagay na inihagis ko kanina.

Dinampot ko ang alak bago ko ito tinungga mula sa bote. Nakatingin lamang sila sa akin habang umiinom ako.

Siguro ay naghihintay sila na magsalita ako at sabihin sa kanila kung ano ang nangyari sa akin.

"Dude?" Tipid na tanong ni Henson.

Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay kusang lumandas kaya naalarma silang pareho at lumapit sa akin.

"Fuck, anong nangyayari sayo?!" Ani muli ni Henson.

Iniabot ko sa kanila ang larawan ng mga anak ko. Pareho silang naguguluhan na tumingin sa akin at parehong nagtatanong ang kanilang tingin.

Hindi ko na sila hinintay pa na magtanong at inunahan ko na sila.

"Mga anak ko sila."

"Fuck!"

"What?!"

Halos sabay nilang ani habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin at sa larawan.

Humarap ako sa kanila at kita nila mula sa mukha ko ang sakit kaya pareho silang bumuntong hininga.

"Maupo ka muna. Pag-usapan natin yang problema mo. Hindi malulutas yan ng alak na hawak mo." Ani Henson sa akin.

Hinila niya ako paupo sa couch saka sila tumabi sa akin.

"Ang lupit mo brad, nakadalawa ka ng hindi mo alam?! Ang tanong ay iisa lang ba ang ina nyan?" Nakangising ani ni Migz.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya napangiwi ito.

"Anak namin ni Lena."

"What?!" Halos sabay ulit nilang saad.

Tumingin ako sa kanila saka tumango.

"Fuck!!" Sabay na naman nilang ani.

Kahit gusto kong matawa dahil sa reaksyon at sabay nilang pagsasalita ay hindi ko magawa dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Last Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon