Chapter One: Bad Boy in Town

74.1K 1.7K 275
                                    

Chapter One: Bad Boy in Town

Masigla at puno ng mga bilihin ang bayan sa unang distrito. Kahit saan ka lumingon ay may mga tindahan ng kung ano-anong bagay. Maririnig din sa buong paligid ang panghihingkayat ng mga tindero’t-tindera sa mga tao na dumadaan para bumili ng kanilang paninda. Hindi lamang iyon, maririnig din ang tunog na nanggagaling sa mga kalesa.

Abalang-abala din ang mga tao sa kanilang ginagawa. Madami ang naglalakad patungo sa kanilang trabaho, ang iba naman ay para mamili.

Ang mga kababaihan ay nakasuot ng bestida. Hapit ito sa bandang bewang para makita ang kurba ng mga kababaihan at sa ilalim ng saya ay nakasuot sila ng krinolina. Dahil dito, nagmimistulang hawla ng ibon ang kanilang saya. Nakadagdag ang ruffles na nakalagay dito upang mas lalong yumabong ito. Kaya nagsusuot ang mga kababaihan nito ay para magmukhang tsarera ang kanilang saya na kapag lumalakad sila ay bahagya itong umiindayog.

Sa kanilang ulo naman ay nakapatong ang maliit na sombrero. Para dumagdag sa pagiging dekoratibo ng mga sombrero ay may mga disenyo na bulaklak, balahibo at laso ang nakalagay dito.

Ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng coat na ang haba ay umaabot sa kanilang tuhod at sa kanilang ulo ay nakapatong ang itim na sombrero. Ang iba ay kayumanggi ang kulay ng sombrero ngunit popular ang paggamit ng itim. Madalas sa kanila ay may dalang maletin kung saan nakalagay ang mga dokumento nilang gagamitin para sa kanilang trabaho.

Tahimik na namumuhay ang lahat sa buong distrito ngunit naging magulo ang lahat nang dumating ang lalakeng nagngangalang Fenier Harrison Walker...

Umaapaw ang magandang tugtugin galing sa byolin ng musikero na nagtatrabaho sa loob ng isang sikat na taberna. Puno ito ng mga kalalakihang nagkakasiyahan at nagkakainuman. Karamihan sa kanila ay nasa grupo ngunit karamihan din sa kanila ay nag-iisa.

Napatingin naman ang mga kalalakihan sa isang lamesa kung saan panay ang hagikhikan ng mga dalaga. Kumunot ang kanilang noo nang makitang ang isang lalake ay napapalibutan ng limang babae. Kahit na mahaba ang suot nilang bestida, kita naman ang kanilang mga balikat at ang iba sa kanila ay halos lumuwa na ang hinaharap ngunit mukhang mas gusto nilang ipakita iyon sa makisig na lalakeng nilalandi nila.

Naakbay ang binata sa dalawang babae sa magkabila niyang tabi. Ang tatlo naman ay nasa likudan niya at panay ang himas sa kanyang balikat o kaya dibdib.

Mukhang tuwang-tuwa naman ang binata dahil sa mga dalagang nakapalibot sa kanya. Malaki ang kanyang ngisi at walang ano-ano’y hinalikan ang babae sa kanyang kanan. Pagkatapos naman noon ay hinalikan din niya ang babae sa kanyang kaliwa. Nagprotesta naman ang tatlong babae sa likudan dahil hindi sila nabigyan ng halik.

“Fenier, bakit silang dalawa lang?” nakangusong tanong ng babaeng nagngangalang Angela. Hinaplos niya ang dibdib ni Fenier mula sa likudan nito. Bahagya niyang ibinaba ang kanyang mukha para maabot ang tainga ni Fenier. Marahan niya itong kinagat-kagat habang panay ang bulong niya dito.

Napapapikit naman nang mariin si Fenier habang kagat ang kanyang mapupulang labi. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Muli siyang napangisi nang maramdaman ang mumunting halik ng babae sa kanyang leeg at batok.

Simula nang dumating si Fenier sa bayan ay nabihag na ng makisig niyang mukha at matipuno niyang pangangatawan ang puso ng mga kababaihan. Sa tuwing pupunta siya sa taberna para uminom ng alak o kaya’y kumain ay palagi siyang napapalibutan ng mga kababaihan.

Inilibot ni Fenier ang tingin niya sa limang babae. Oras na para pumili siya ng isang babae na ikakama niya ngayong gabi. Sinuri niya ang bawat isa sa kanila at pinili niya ang babae sa kanyang kanan na nagngangalan namang Patricia.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now