Chapter Nine: What You Need To Do

36.1K 975 49
                                    

Chapter Nine: What You Need To Do

"Young Lady, inaantay na po kayo ni Sir. Louise sa ibaba," Lumakad siya patungo sa tabi ng natutulog niyang amo. Nakabalot ito ng blanket at mukhang napakahimbing pa rin ng tulog. "Kanina ka pa niya inaantay, Young Lady. Bumangon na kayo." Marahan niyang tinapik ang tagiliran ng dalaga.

Umungol naman ito. "Please, Yaya, tell him I want to sleep more. He can come back later." bulong niya. Tinatamad pa siyang bumangon. Masyado pang maaga sa kanya ang alas diyes ng umaga kaya naman ayaw pa niyang umalis sa higaan niya. Alam niyang nag-aantay na si Louise sa kanya sa baba para sabay na silang magpunta sa trabaho pero mas gusto niya pang matulog.

Narinig niya ang buntong-hininga ng kanyang katulong. "Young Lady, ang sabi niya kapag hindi kayo gumising-"

"Ako ang manggigising sa kanya."

Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Louise. Napabangon siya bigla. Hindi na niya inayos pa ang gulo-gulo at buhol-buhol niyang buhok maging ang muta sa kanyang mga mata at panis na laway sa kanyang labi. Hindi na siya nahihiya kay Louise dahil bata pa lang naman sila ay magkasama na silang dalawa.

Inirapan niya ang kanyang kasintahan. "I don't want to go to work!" Humalukipkip siya.

Natawa naman si Louise. Lumapit siya sa kama ng dalaga at umupo sa gilid nito. "Kristen, you can't skip your duties just because you want to sleep all day. Alam mo namang mahigpit si Tito Nicolas pagdating sa trabaho."

Muli siyang napairap. Alam niyang magagalit sa kanya ang kanyang ama kapag nalaman nitong hindi na naman siya pumasok sa opisina. Masyado itong strikto pagdating sa trabaho lalo na kapag bampira ang pinag-uusapan. Hindi naman niya forte ang pagha-hunting ng bampira kaya inassign siya ng kanyang ama sa opisina para maghandle ng mga paperworks na dapat ay ito ang gumagawa.

"I don't care if he gets mad at me. You know what I really want to do, Louise." Seryoso siyang tumingin sa nobyo.

Napabuntong-hininga si Louise. "Yes, you want to go to Italy to study fashion."

Humalukipkip si Kristen. "Gusto kong matupad ang mga pangarap ko. Hindi ko 'yon magagawa kung susundin ko nang susundin ang mga gusto niya."

"Pero alam mo namang ikaw lang ang maaasahan ni Tito Nicolas pagdating sa mga ganoong bagay. Si Kelly walang pakealam pagdating sa pagiging Vampire Hunter maging sa opisina. Ang tanging gusto niya lang ay ang magtayo ng sarili niyang business. Kaya ikaw lang talaga ang makakatulong sa iyong ama."

"Kanino ka ba talaga kampi, Louise? Ako ang nobya mo, hindi ang tatay ko." Tumayo na siya.

Madalas nilang pagtalunan ang tungkol sa bagay na ito. Gusto na niyang kumawala sa kanyang ama ngunit ayaw namang pumayag ni Louise. Noon pa lang, ayaw na niya talagang makealam tungkol sa mga bampira dahil para sa kanya, hindi lahat ng bampira ay masama gaya ng pinapaniwalaan ng kanyang kapatid na si Kelly.

"Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Ayaw kong magkagalit kayo ng ama mo dahil doon. Hindi mo naman kailangang iwan ang trabaho mo sa headquarters, eh. Babalik ka naman doon kapag natapos ka sa pag-aaral, 'di ba?"

Napailing si Kristen. "Sa tingin mo ba magagawa ko pang bumalik sa lugar na 'yon? Gusto ko ng panibagong environment. Ayaw kong matigil sa isang lugar na hindi ko naman gusto. Iyon ba ang ipinipilit mo sa 'kin, Louise? Gusto mo bang itapon ko ang kaligayan ko para sa maliit na espasyo ng aking opisina?"

Hindi nakapagsalita si Louise. Kinuha naman niya ang pagkakataong makaalis. Dumeretso siya sa banyo para maligo upang ibsan ang init ng kanyang ulo. Magbababad na lang siya sa malamig na tubig.

The Playful VampireOù les histoires vivent. Découvrez maintenant