Chapter Twenty-Three: The Painful Past

25.1K 763 82
                                    

Chapter Twenty-Three

The Painful Past

Vivian's POV

Heart hammering, chest tightening and sweat dripping; I was enclosed in Fenier's hug. Damn. Napapaingles na tuloy ako. Hindi ko na alam kung bakit humantong na kami sa ganito. Hindi ko din alam kung bakit hinahayaan ko na halikan at yakapin niya ako. The proximity between us is making me lose my mind.

"H-How so? Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Baka phase lang 'yan at isang araw marerealiaze mo na mas maganda pa rin na palipat-lipat sa ibang babae." Bahagya ko siyang itinulak palayo.

Nakita ko ang iritasyon sa mukha niya ngunit pansin kong nag-iisip siya.

"Even if you say that, how can you explain the tightening of my chest when you're near me? The giddy feeling when you're with me? The happiness you brought me even though you didn't do anything?"

Hindi ako nagsalita dahil hindi ko din alam ang sagot sa mga tanong niya. Nakakatakot isipin na gano'n din ang nararamdaman ko kapag nandyan siya. Kahit na madalas akong naaburido sa kanya, nangingibabaw pa din ang kakaibang pakiramdam na kumakalat sa sistema ko. Pero kung anoman 'to o kung pag-ibig man 'to, hindi ko alam kung handa akong harapin 'yon.

"I like you." Napatingin ako sa kanya. "Not in a way I wanted to fuck you, well, maybe that's one of the reasons–" Hinampas ko siya. "No, let me finish! So, maybe that's one of the reasons but I know in myself that the true reason I like you is because you're strong and beautiful...and just simply perfect."

Para akong malulunod sa mga salita ni Fenier. Hindi ko lang maiwasang mag-isip na babaero siya kaya madali lang para sa kanya na sabihin ang mga bagay na 'to. Sanay na sanay siyang mambola ng mga babae kaya hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi niya. Hindi ko siya gaanong kilala. Hindi ko alam baka inihuhulog na niya ako sa patibong niya.

Ayoko sa lahat ay ginagawa akong tanga. Ayoko ding sumugal sa isang bagay na alam kong ako rin ang matatalo sa huli.

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "I'm sorry pero hindi ko masusuklian ang pagkagusto mo sa 'kin."

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatingin siya sa 'kin ng seryoso.

"Why?"

"I'm not perfect, Fenier. You, of all people, should know that. You've seen the worst in me and if there's something way beyond worst, that's where I hid the true me. We're both broken and moulded by our painful past. We, us, can't happen. There will always me alone and you alone."

"So, you're saying..." He trailed off, unsure of what to say.

"I'm saying I'm dumping you and there's no way for me to change my mind."

Suddenly, he laughed but his eyes remained cold and distant. "Wow." He looked at me. I shuddered. "Nice."

Hindi na ako nagsalita pa. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. Siguro nga gusto ko siya pero deserve niya bang malaman 'yon? Paano kung pinaglalaruan niya lang ako?

"Magpapahinga na ako. Pwede ka nang umalis."

Walang imik na umalis si Fenier. Naiwan akong nakatulala sa nakasaradong pinto ng aking kwarto. Itinakip ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Did I do the right thing? Sunod-sunod kong iniiling ang aking ulo. Hindi dapat ako magsisi sa desisyon na ginawa ko. Ginusto kong tanggihan siya. Ginusto kong isantabi ang nararamdaman ko para maprotektahan ang sarili ko. Masyado pa akong madaming problema sa buhay para dumagdag siya.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now