Chapter Thirteen: God Seemed to Hate Me

27.1K 903 74
                                    

Chapter Three: God Seemed to Hate Me

Vivian's life had been up and down. Never been good but never been better. Her problems were never too much to handle. But God seemed to hate her, that was what she thought.

"Vivian, magsasara na ang restaurant na ito. Ibibigay ko na lang ang sweldo mo para sa buwan na ito." Iniabot ng kanyang amo ang isang brown envelope.

"P-Po? Bakit?" Nagtataka man, inabot pa rin niya ang kanyang sweldo. "Malakas naman ang kita ng restaurant niyo, ah?"

Bumuntong-hininga ang kanyang amo. "Hindi na kaya ng katawan ko. At isa pa, walang maghahawak nitong business kung sakaling bumigay ang katawan ko kaya naisipan kong isara na lang ito at ipagbili," Tinapik niya ang balikat ni Vivian. Nadepina ang ilang kulubot sa kanyang mukha nang ngumiti siya. "Salamat sa naging tulong mo sa restaurant na ito. Dinagdagan ko na ang sweldo mo kasi alam kong kailangang-kailangan mo 'yan. Pasensya ka na dahil mawawalan ka ng trabaho."

Umiling si Vivian. "Ako dapat ang magpasalamat sa inyo dahil tinanggap niyo ako sa trabaho na 'to. Maraming salamat po sa lahat, Ma'am Seda."

Muling bumuntong-hininga si Vivian nang makaalis siya sa restaurant. Apat na lang ang trabaho niya at nanganganib na maging tatlo na lang dahil ang isang pwesto sa wet market na pinagtatrabahuhan niya ay maaalis na din.

Doon siya nagtungo kaagad. Napag-alaman niyang pupunta na sa ibang bansa ang amo niya dahil nakahanap ng magandang trabaho ang anak nito. Isasara na nito ang pwesto niyang tindahan ng mga gulay at isda kaya mawawalan na naman ng trabaho si Vivian.

Naabutan niya ang kanyang amo na nagliligpit na ng gamit. Inilalagay nito sa malaking kahon ang lahat ng mga bagay na ginagamit nito kapag nagtitinda.

"Oh? Vivian? Buti dumating ka," May kinuha siya sa kanyang bulsa. Isa ding maliit na brown envelope na naglalaman ng huling sweldo niya. "Ito na 'yong sweldo mo. Pasensya ka na dahil pangdalawang buwan lang 'yan. Kundi sana nasagad ang pamilya ko dahil nga lilipat na kami sa ibang bansa, sana nadagdagan ko pa 'yan."

"Naku, malaking tulong na po ito. Salamat po sa lahat ng naitulong niyo sa akin," Ngumiti siya. "Ingat po kayo sa biyahe."

Tinitigan niya muna ang dalawang sobreng hawak niya bago tumingin sa kawalan. Nilanghap niya ang sariwang hangin sa parke.

Malaking pera na din ang hawak niya pero kulang pa din ito sa tustusin nila. Malapit na ulit magbayad ng tuition sina Von at Vin. Dahil monthly ang exams, monthly din silang nagbabayad. Hindi kasi kaya ni Vivian na magbigay ng full payment. Palaging down payment na lang muna. Private school kasi ang pinapasukan ng kambal kaya malaki talaga ang tuition.

"Ano'ng gagawin ko?" bulong niya sa kanyang sarili. Kung maghahanap siya ng trabaho, mauubos lang ang oras niya kaysa ilaan ito sa iba pa niyang trabaho.

Dadagdagan ko na lang ang oras ng pagtatrabaho ko sa coffee shop, public library at taberna. Isip niya. Bakit ba ang malas ko?

Tumingin siya sa kalangitan.

Hey, You, the so-called God of humans, do you hate me?

In the corner of her eyes, someone caught her attention. She saw Fenier walking hand in hand with a woman.

Yeah, You seemed to hate me big time.

Pinili niyang umalis na lang. Ilang linggo na din niyang hindi nakikita si Fenier, ngayon na lang ulit. Hindi na ito nagpupunta sa coffee shop gaya ng palagi nitong ginagawa. Simula nung aksidente siyang nakapasok sa loob ng kwarto kung saan tumutugtog ng piano si Fenier, hindi na ulit sila nagkausap.

The Playful VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon