Chapter Six: Too Tired

38.4K 1K 40
                                    

Chapter Six: Too Tired


Nagkakagulo sa parke. Iyon ang nakakuha sa atensyon ni Vivian habang siya ay papunta sa kanyang trabaho. Wala siyang intensyon na makiusyoso pero narinig niyang walang awang pumapatay ang isang lalake na may pangalang Fenier. Kumulo kaagad ang dugo niya at sinamahan ng kaba. Iniwan niya ang mga kapatid niya na kasama si Fenier. Hindi kaya nasa bingit na sila ng kamatayan ngayon?


Mabilis siyang nagtungo sa parke. Naabutan niya ang ilang mga tao na tumatakbo palayo. Nang makarating siya sa gitna ng parke ay naabutan niya ang isang bampira na para bang nawawala sa sarili. May dalawang bata at isang babae na nakahandusay sa lupa at naliligo sa sarili nilang dugo. Patay na sila. Ang ilang mga kababaihan at kabataan na nandoon din ay nakatamo ng sugat sa katawan.


Nagdilim ang paningin ni Vivian. Hindi na siya nagtanong pa sa kanyang sarili kung bakit Fenier din ang pangalan ng bampirang ito. Buong akala niya ay si Fenier Walker ang makakaharap niya.


Hindi na siya nagdalawang isip pa na sumugod. Gamit ang kanyang kamao ay pinatamaan niya ng malakas na suntok si Fenier. Tumalsik ito patungo sa puno. Bago pa ito makatayo ay binigyan naman niya ito ng malakas na sipa sa sikmura na siyang naging dahilan para mawalan ito ng malay.


"That's what you get from killing innocent women and children, you ass f_cking hole!" Sa huling pagkakataon, sinipa niya itong muli. She made sure that she broke all his ribs.


Lumakad na siya palayo nang makita niyang paparating na ang mga miyembro ng Council. Sila kasi ang maghahatol sa bampirang si Fenier at ikukulong siya ng maraming taon.


"I'm so tired," ungol niya nang makarating siya sa coffee shop. "Pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko."


"Eh, sa dami mo namang trabaho, paanong 'di ka bibigay? Bigyan mo naman ng pahinga ang sarili mo." Ipinatong ni Louvel ang isang tasa ng kape sa harapan niya.


Ngumuso si Vivian. Humigop siya ng kape na tinimpla ni Louvel para sa kanya. "Madami ka din namang trabaho, ah? Kailangan mo din ng pahinga."


Umiling siya. "Dito sa coffee shop at taberna lang ang trabaho ko, Vivian. Ikaw, lima o higit pa ang trabaho mo sa isang araw. Kahit na hindi kayo tumatanda, nakakaramdam din kayo ng pagod at sakit ng katawan. Kailangan niyo din ng break."


"Hindi pwede, eh. Madami akong gastusin. Isama pa ang pag-aaral nina Vin at Von."


Hindi na nagkomento pa si Louvel. Matagal na silang magkakilala ni Vivian. Una silang nagkakilala sa taberna. Mas nauna siyang nagtrabaho doon kaysa kay Vivian kaya siya ang nagpasok kay Vivian doon. Pero ang pagkakaiba nila ni Vivian ay ibinibigay niya ang kanyang katawan sa customer, si Vivian ay ni away magpahawak. May isa pa silang pagkakaiba. Tao siya, hindi kagaya ni Vivian na bampira. Pero hindi nagbago ang pakikitungo niya sa kaibigan.


Tumunog ang bell sa pintuan, indikasyon na may bagong customer. Tumayo na si Vivian matapos niyang ubusin ang kanyang kape upang simulan ang kanyang trabaho.


Sinalubong niya ng masayang ngiti ang bagong customer ngunit nabura ito kaagad nang makitang si Fenier Walker iyon.

The Playful VampireWhere stories live. Discover now