Chapter Two: Bad Girl in Town

53.2K 1.4K 152
                                    

Chapter Two: Bad Girl in Town

Puno na naman ang isa sa pinakasikat na taberna sa buong distrito ng mga lalakeng inaabangan ang paglabas ni Vivian o ang mas kilala nilang White Rose. Si White Rose kasi ang madalas na magtanghal sa taberna tuwing gabi. Sa kanyang mga giling at haplos sa mga parokyano sa bawat table na pinupuntahan niya para magsayaw ay sapat na para mapuno ang buong taberna ng mga kalalakihan. Madami silang magtatanghal pero siya lang ang palaging inaabangan.

Tuwing alas dose lang ng gabi siya nagtatanghal dito dahil sa umaga ay may iba't-iba din siyang trabaho pero para sa kanya ay ito ang pinakagusto niyang trabaho dahil madami siyang kinikitang pera.

Pumatak na ang alas-dose. Tumunog na ang malaking orasan sa liwasan na dinig sa buong distrito hudyat na kalagitnaan na ng gabi. Kasabay noon ay ang pagtugtog ng mga musikero sa loob ng taberna. Umalingawngaw ang mabagal at senswal na tugtog sa buong taberna. Nagsigawan ang lahat ng tao kasabay nang malakas na palakpakan. Dahan-dahang nahahawi ang pulang kurtina sa maliit na entamblado.

Mas lalong lumakas ang sigawan at palakpakan nang masilayan nila si White Rose. Nakasuot siya ng maikling palda na nahahapit sa kanyang bewang at hita. Ang pang-itaas niya ay isang kulay puting damit na nakahapit sa kanyang katawan na mas lalong nagpapakita ng hubog nito. Ang kanyang mukha ay nakataklob ng kulay pilak na maskara. Ang tanging nakikita lang sa kanyang mukha ay ang matangos niyang ilong at mapula niyang labi. Ang mahaba at itim niyang buhok ay sumasabay din sa indayog ng kanyang katawan.

Kumapit siya sa tubo na nasa gitna ng entamblado at sinimulang gumiling kasabay ng musika. Sa bawat hampas ng kanyang katawan ay napapasigaw ang mga kalalakihan. Hinalikan niya ang kanyang palad at mistulang hinipan ito patungo sa mga manonood. Hindi naman magkandaugaga ang mga kalalakihan sa pagsalo ng halik na hinipan niya.

Napangiti na lang siya dahil sa nakita.

"Pathetic assholes." bulong niya sa kanyang sarili.

Nagsimula siyang bumaba sa entamblado para sayawan ang mga kalalakihan sa iba't-ibang lamesa. Pumunta siya sa unang table kung saan may limang kalalakihan. Hinaplos niya ang mukha, balikat at dibdib ng mga ito pero hanggang doon na lang 'yon. Nakipagkasundo siya sa manedyer niya na bawal siyang hawakan o kaya bastusin ng mga parokyano nila. Dahil malaki ang dinadala niyang pera sa taberna gabi-gabi, pumayag ang manedyer sa kondisyon niya.

Sa bawat lamesa na pinupuntahan niya ay binibigyan siya ng tip. Mas kumikita siya ng malaki dahil sa tip na binibigay sa kanya ng mga parokyano. Kapag malaki ang ibinigay sa kanyang tip, mas madaming haplos ang ginagawa niya kaya mas gugustuhin ng mga kalalakihan na magbigay ng malaking pera.

Patuloy pa rin si White Rose sa pag-indak sa saliw ng musika hanggang sa makarating siya sa pinakahuling lamesa na pupuntahan niya. Bahagyang napataas ang kanyang kilay nang makita ang isang lalake na napapalibutan ng madaming babae. Napaisip tuloy siya kung dapat pa ba niyang puntahan ito dahil mukhang mas nag-e-enjoy ito sa mga babaeng kasama niya sa lamesa. Pero naisip niyang mas mapapatunayan niyang mas magaling at mas maganda siya kung makukuha niya ang atensyon ng lalake.

Mas lumapit pa siya sa lamesa. Napakunot ang kanyang noo nang parang pamilyar sa kanya ang lalake pero hindi na niya masyado iyong inisip. Kaagad siyang lumapit at sinimulang gumiling. Isinuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok at hinawakan ang mukha ng lalake. Pilit niya itong iniharap sa kanya.

Mukhang nagulat pa ang lalake sa kanyang ginawa. Napangisi si White Rose dahil sa lahat ng kalalakihan dito ngayon, ang lalakeng ito ang pinakamakisig. Hindi na siya nagtaka na napapalibutan ito ng madaming babae.

Lahat ng mata ay nakatingin sa kanila. Nagsimulang magsigawan na naman ang mga kalalakihan. May isinisigaw silang pangalan pero hindi niya maintindihan dahil sinasabayan din ito ng malakas nas musika.

The Playful VampireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora